ILANG buwan na ring hepe ng Philippine National Police (PNP) ng Lungsod ng Pasay si S/Supt. Joel Doria, ngunit wala pa siyang nagagawa.
Hindi man lang tinitibag ni Doria ang mga VK ni Jojo Cedeno na pawang talamak sa Pasay.
Ang VK niJojo ay umaabot hanggang Parañaque ang operasyon.
Hindi rin naglulunsad si Doria ng opersyon laban sa mga night club na tulad ng Bachelor’s Mansion, XTD KTV, at Miss Universe kahit maraming batam-batang kababaihan dito ang gamit sa prostitusyon.
Palpak ba si Senior Supt. Joel Doria?
Umaksyon ka naman, sir, para malaman ng mga taga-Pasay na ang bagong hepe ng pulisya ng PNP sa Pasay ay tunay na kumikilos laban sa mga iligalidad at hindi nagpapayaman mula sa mga parating.
Bakit hindi mo utusan si SPO2 Leo Agila dahil sigurado akong kabisado niya ang Pasay sapagkat matagal-tagal na ring naninilbihan si SPO2 Agila sa Pasay.
Katunayan, nagkaroon na ng award mula sa Rotary International si Agila dahil sa kanyang walang sawang pagkilos at pagtulong sa mga pamayanan ng Pasay at walang patid na pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kung matagal na sa Pasay si SPO2 Agila, palagay ko alam niya ang laganap at talamak na VK ni Jojo Cedeno.
Dapat tulungan ni SPO2 Agila ang boss niyang si Senior Supt. Doria sa pagpuksa sa VK ni Jojo Cedeno para matanggal ang operasyon nito sa Pasay.
Patulong ka na rin kay SPO2 Agila na iligtas ang buhay ng mga batam-batang babae na nasadlak sa prostitusyon dulot ng kahirapan.
Dapat patuloy na pinatutunayan ni SPO2 Leo Agila ang kanyang malasakit sa kabataan.
Senior Supt. Doria, isama mo na ring pagplanuhang mabuti ang talamak na bentahan at paggamit ng shabu sa Malibay, Maricaban at Libertad.
Ginoong Doria, kapag wala kang nagawa sa Pasay, alam mo na alam nating lahat na patuloy na maraming mabibiktima ang VK ni Jojo Cendeno; mga night club na Bachelor’s Mansion, Miss Universe, XTD, at iba pa; at nagkalat na shabu sa Malibay, Maricaban at Libertad.
Kaya, nararapat lamang na umaksyon.
***
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA