Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

K-12 HINDI DAPAT IPATUPAD – ALI

$
0
0

HINDI pa man nagbubukas ang klase ay tensyonado at nahihirapan na ang mga guro at principal kung paano nila ipatutupad ang K+12 program dahil pinupursige na raw sila ng DepEd upang gawin ito.

Lahat ng mga guro at principal na ating nakausap ay pawang nagsasabing marami pa raw kulang sa implementasyon nito, lalo na sa mga subject o lesson para sa senior high school kaya kinakailangan pa ang mabusising pag-aaral at mga plano upang ipatupad ang K-12.

Maging itong si Manila 5th District Councilor Ali Atienza ay nagsasabing hindi naman dapat madaliin ang planong implementasyon agad-agad ng K-12 sa darating na pasukan.

May punto ang mga teacher at principal dahil ano nga naman ang kanilang ituturo sa mga senior high school? Kasi ‘di ba ang mga 4th year noong araw, graduating na ‘yun at nasa final lesson na sila ng mga aralin tungkol sa high school at iba naman ang lesson sa 1st year and 2nd year college.

Ibig bang sabihin nito, ‘yung lesson na pang-college ang ituturo sa mga senior high school? E ang nagtuturo noon ay mga professor na. Kaya ba ng teacher sa high school na ituro ang lesson na pangkolehiyo? Maging ang mga guro ay maaaring mahirapan dito.

Napakaraming katanungan ang dapat malinawan hindi lang ng mga guro at principal kundi ng mga magulang at estudyante na rin. Dapat sana ay ipaunawa muna sa publiko ang mga bagay-bagay tungkol sa K-12 upang masagot ang mga negatibong isyu rito.

Isa si Councilor Ali Atienza sa unang-unang tumutol sa K+12 noong nakalipas na taon pero hindi ito inintindi ng City Council. Sabi ni Ali, “It is not the length of the curriculum, but the quality that really matters, so it is imperative na teachers muna ang unang ayusin ng gobyerno at hindi ang karagdagang pahirap sa mga estudyante at magulang na hikahos na nga ay lalo pang inilubog sa kahirapan due to scarcity of funds and this could create even larger numbers of out-of-school youths in the country.

Maganda ang hangarin, kaya lang kulang sa preparasyon. Mas maganda pa nga siguro kung inuna muna ang preparasyon at ipaubaya na lang sa susunod na Presidente ang implementasyon dahil sa totoo lang hanggang sa ngayon ay hindi pa naman aprub ng Kongreso at Senado ang K+12 Program. Kaya hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng DepEd kung ano ang itatawag nila sa new curriculum.

Paliwanag ng DepEd, maganda raw ang K-12 dahil after high school ay pwede nang makapagtrabaho ang mga estudyante at pwedeng–pwede na raw makapag-abroad at matanggap sa ibang bansa ang mga graduate ng K+12?

Tsk tsk tsk. ‘Yun ba ang gusto ng gobyerno natin? Ang itaboy ang mga Filipino sa abroad upang doon magtrabaho? Kaya nauubusan tayo ng magagaling na doctors, nurses, engineers at iba pang professionals dahil nasa abroad na lahat.

Tama naman ‘yung sinabi ni Ali na marami naman tayong propesyunal na hindi dumaan sa K-12, ‘yung mga naging Presidente, senador at congressman, hindi dumaan sa K-12 pero matatalino sila at magagaling.

Hindi naman kailangan pang dumaan sa “International Standards” para lang makasabay tayo sa iba, hindi natin kailangang gumaya sa ibang bansa dahil iba ang kultura nila at paraan ng pamumuhay kung ikukumpara sa ating mga Pinoy.

Kapag itinuloy ang implementasyon ng K+12, maiimbak ang mga estudyante ng senior high school, ayon kay Ali. Ngayon pa lang ay marami nang problema ng classrooms at teachers. ‘Di ba nangangailangan ngayon ang DepEd ng 30,000 guro. Eh ‘di dagdag-gastos na naman ‘yan ng gobyerno at mga magulang. Hindi na nga madagdagan ang sweldo ng mga guro at hindi pa maibigay ang magandang benepisyo sa kanila, heto’t magdadagdag pa ng 30,000 guro?

Apila ni Ali, maghunos-dili sana ang DepEd at tingnan din ang mga negatibong sitwasyon at huwag sana puro papogi lang. Sinasabing may magaganap na K-12 Against Movement sa Liwasang Bonifacio ngayong darating na Mayo 9, sasama po ba kayo, Konsehal Ali? LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES