Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PACQUIAO FOR PRESIDENT

$
0
0

HINDI ko malaman kung dapat akong matuwa o malungkot sa pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather, Jr.

Si Pacquiao ay isang congressman, singer, actor, Lt. Col., at people’s champ.

Bago ang laban nila sa fight of the century, sinabi ni Pacquiao na gusto niyang kumandidato sa pagka-Pangulo ng bansang Pilipinas.

Manny, weather-weather lang ‘yan, at kung magpupumilit ka sa pagkaboksingero ay baka ma-Ali ka sa rami ng suntok sa ulo na mataatanggap mo sa iyong mga kalaban at malamang na hindi matuloy ang pangarap mong maging Presidente.

Tingnan mo ang nangyari kay Muhammad Ali.

Ayaw niyang tumigil sa pagboksingero kaya lagi na lang siyang natatalo. Ganyan din ang nangyari kay Flash Elorde. At ganyan din marahil ang mangyayari kay Mayweather.

Mauubos din ang kanyang mga fair weather friend. Sa rami ng kanyang kinita sa boxing, panahon na upang asikasuhin naman niya ang kanyang kalusugan.

Hala ka, kapag nalumpo ka, retirado ka agad sa paka-Lt. Col. Tiyak na ni sarhento De Mesa ay hindi ka tatanggapin sa militar o sa pulisya.

Actually, tama si Pangulong Noynoy. Magretiro ka na, Manny, habang malusog ka at walang sakit.

Ang problema lang, may mga taong walang kabusugan sa karangalan at salapi.

Manatili ka na lang na congressman o senador at baka maging Pangulo ka pa pagsapit mo sa wastong gulang.

Pero ‘pag nabaldado ka, tapos ang lahat ng kaligayahan mo.

Ang sabi ni Pacquiao ay sumakit ang kanyang braso kaya siya natalo kay Pretty Boy Floyd. Samakatuwid ba ay hindi nagkabisa ang kanyang Alaxan?

Bumagal na rin ang mga paa ni Manny. Naging flat-footed na siya. Hindi na niya kayang mag-float like a butterfly na katulad ni Ali o ni Sugar Ray Leonard.

Mas maliksi pa ngayon si Floyd na ikinaaasar ng mga pro-Manny. DEEP FRIED/RAUL VALINO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>