Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAHA AT TRAPIK SA ULAN AT 9-9 NA PROYEKTO VS BAHA

$
0
0

NITONG nakaraang Sabado, umulan nang malakas sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Gaya ng inasahan, inabot ng siyam-siyam sa trapik ang mga motorista at mananakay.

Apat na oras sa lansangan ang mga motorista at mananakay sa maraming lugar.

Anong nangyari at ganito ang naganap? Tila naulit ang mga nauna nang karanasan. Mananatili na bang ganito ang kalagayan sa Metro Manila?

KABALIGTARAN

Sabi ng gobyerno, paganda na nang paganda ang ating mga lansangan. Marami nang nagawang mga kanal o drainage ng tubig at pinatataas na ang mga kalsada. Maganda na rin ang takbo ng mga water pump laban sa mga baha.

Pero ano ang nangyayari at pasama nang pasama naman ang kalagayan natin?

Kumbaga, pareho ang problema sa baha at sa kalagayan ng sikmura ng maraming mamamayan.

Habang sinasabi ng gobyerno ngayon na gumaganda na ang ekonomiya ng bansa, lalo namang dumarami ang nagsasabing sila’y lalong naghihirap at nakararanas ng gutom.

TAG-ARAW LUMILIPAS

Sabi ng gobyerno, ginagawa lahat sa ngayon ang mga proyektong panlaban sa baha.

Inaasahang pagdating ng tag-ulan, kahit papaano, mararamdaman na ang ginhawa.

Sabi nila, mga Bro, madali mang bumaha kung may malakas na ulan, mabilis namang humupa ito.

‘Yan ay kung hindi magsasabay ang high tide at ang baha mula sa malakas na ulan.

Pramis ‘yan na dapat asahan. Tingnan natin pagdating ng tag-ulan.

Ngayon nga lang na nilalamon ng tigang na lupa ang anomang tubig, eh, grabe pa rin ang baha, may high tide man o wala, hindi kaya mas malala ang mga pagbaha kung darating na ang tag-ulan at ang mga tubig-baha ay sa mga ilog at dagat na lang inaasahang tatakbo?

Kung hindi ay sa mga mababang lugar na naging swimming pool sa matagal na panahon?

Nga pala, mga Bro, mabilis na tumatakbo ang mga araw.

Baka bukas ay tag-ulan na ulit at madadatnan na naman ang mga proyekto napakababagal na ginagawa.

SIYAM-SIYAM

May malaking problema, mga Bro. Siyam-siyam ang inaabot ng mga proyekto.

‘Yang Avenida Rizal nga lang sa Sta. Cruz at Quiapo, aba, ilang taon nang ginagawa.

Sa tantiya natin, wala pang kalahating kilometro ‘yan. Hanggang ngayon, wala pang nakaaalam kung kailan matatapos ‘yan.

Ganito rin ang nagaganap sa ibang mga kontra-bahang proyekto, sa Blumentritt  sa Maynila pa rin.

Magkatuwang ang Department of Public Works at ang lungsod ng Maynila rito at hindi natin alam kung ano-ano o alin sa dalawang ahensiyang ito ng pamahalaan ang pinagmumulan ng problema.

Ang pagkakaalam lamang natin, hangga’t maaari, gusto ni Mayor Erap na mabilis na matapos ang mga ito para maibsan ang mga matitinding baha at trapik na nagpapahirap sa mga taga-Maynila at lahat ng mga pumapasok o dumaraan sa lungsod ng Maynila patungo sa iba’t ibang lugar.

MAYNILAD, M’LA WATER

Meron pa tayong napapansin na malaking problema.

Pagkatapos na magawa ng DPWH at mga pamahalaang lungsod ang mga kalsada, anak ng tokwa, isang araw ay makikita na lang natin na hinuhukay naman ang mga ito ng kung hindi Maynilad ay Manila Water. Pagkatapos, matagal bago matapos ang ginagawa ng mga ito.

Kaya naman, naririyan lagi ang mga trapik.

‘Hindi naman natin alam kung pareho ang kalidad ng pagsesemento ng DPWH at mga lungsod at ang dalawang ahensiyang ito.

Tanong: wala bang koordinasyon ang mga water concessionaire sa DPWH at mga lungsod para sana mapagsabay-sabay na ang mga proyekto para sa tubig, drainage at kalsada?

MAGHANDA SA BAHA

Nililibot natin ang mga lokasyon ng mga proyektong laban sa baha. Kabilang sa mga lungsod na may malaking problema sa baha ang Maynila.

‘Yang University of Sto. Tomas na lang ay tiyak na magiging napakalaking swimming pool sa tag-ulan.

Tila nagawa na ang lahat ng mga kalsada sa paligid nito at pinagtataaas ang mga ito sa isang piye pataas.

Balang araw siguro, mababalitaan na lang natin na pawang may mga alipunga ang mga estudyante, guro, pari, doktor at iba pa sa loob ng campus ng UST.

Baka diyan pa magmula ang salot na dengue dahil maaaring magiging itlugan ng mga lamok ang compound nito.

Ano ba ang programa ng UST at pamahalaan ukol dito?

Marami na ring lugar ang may mas mataas na kalsada kaysa sa mga ground floor ng mga tahanan.

Magdadala ng sakit sa ulo at iba pang sakit ang mga nagaganap. Tiyak na marami ang maglilimas araw-araw sa tag-ulan.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>