HALOS matagal-tagal na ring nakaupo si C/Supt. Henry Rañola bilang officer-in-charge (OIC) ng Southern Police District (SPD) pero walang inaatupag ang mga ‘sidekick’ nito kundi ang mangotong sa mga iligal na pasugalan, beerhouse at putahan sa buong nasasakupan ng Southern District.
Hindi ko nga lang alam kung gaano katotoo na pati sa bagsakan ng drugs ay may tongpats ding kinukuha ang mga sidekick ni heneral.
Walang patawad ang mga sidekick ni heneral, maging sugal-lupa ay hindi nila pinalalagpas basta alam nila na pagkakuwartahan nila ito.
Ang tumatayong over-all bagman o ingat-yaman ni Gen. Rañola ay si Col. Trajano.
Bumuo ng grupo si kernel na siyang iikot sa mga pasugalan, beerhouse, putahan at pati na rin yata sa bagsakan ng drugs ay may paikot sila.
Ang mga squad na itinalagang taga-ikot ni kernel sa mga vice ay sina alyas Rocky, Jerry, Alvin, Ronel, Bong, Mike at isang alyas Felix.
Umaabot sa halagang P270,000 ang kabuang tong-collection mula sa mga sugal-lupa at P400,000 naman sa jueteng.
Ano kaya ang masasabi n’yo rito, Gen. Rañola?
Huwag namang sabihin ni Gen. Rañola na hindi niya alam na ngongotong sa vices ang mga bata niya?
BOOKIES SA MANILA, HINDI PA RIN HINUHULI
Sa Maynila ay patuloy ang pamamayagpag ng bookies ng karera ni Billy mula sa PS1, PS3, PS7 at PS5 ng Manila Police District (MPD).
Hindi magalaw si Billy bukod sa nakatimbre sa mga tong-collector na sina PS1 at PS7 PO2 Ronald Bautista at PS3 at PS5 PO1Roel Robles ay guwardiyado pa ng dalawang malalaking ‘aso’ ang opisina nito sa bahay ng kabong si Carmina Nucom Torres Bugallon.
Paging: NCRPO chief Gen. Mel Valmoria, ginagamit ang pangalan ninyo ng bookies operator na si Billy.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
