Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BOOOO!

$
0
0

HINDI matapos-tapos ang kwento tungkol sa pinakahuling laban ni Manny Pacquiao.

Maraming fan kasi ni Pacman ang hindi masaya sa ginawang pagsayaw at pagtakbo sa ring ni Mayweather.

Kaya sa Las Vegas pa lang ay “boooo” na ang inabot ni Floyd. Pero walang bawal sa ginawa ni Floyd.

Taktika n’ya ‘yun. Naalala ko noon mga 1960s yata, na-booo na rin ang Philippine National Basketball team sa isang international game.

Wala pang 25-seconds violation sa larong basketball noon, kaya ang Pinoy team hindi nag-shoot kung hindi sigurado na pasok ang bola, pasa lang sila ng pasa, ayaw bitawan ang bola.

Ang tawag sa taktika na ‘yun ay “freeze the ball”.

Nanalo ang Pinoy sa laro na ‘yun kahit mababa ang score pero galit ang mga fan dahil sa ginawa nilang pagpasa-pasa sa bola.

Hindi bawal noon ang ganun pero dahil doon ay nagkaroon nga ng 25-seconds violation na batas sa sports para may limit ang pag-hold sa bola.

Kung si Manny ba ang gumawa ng taktika ni Floyd na pagtakbo at nanalo s’ya, magagalit ba tayo kay Pacquiao?

Si Mayweather kasi ay boxer hindi fighter tulad ni Pacquiao at ang training ni Floyd ay Amateur at Olympic boxing na sinusunod ang mga technique at science ng sports para manalo.

Si Manny saglit lang sa amateur, diretso professional. Kung para kay Pacman ang boxing ay entertainment kung saan bugbugan ang maganda, kay Mayweather, boxing is a sweet science na maraming taktika ang magagamit para manalo.

Naalala ko tuloy noong Roman times, sa laban ng dalawang gladiators kapag natalo na ang isa ay hinihintay ang desisyon ng Emperor na thumbs up kung bubuhayin ang talunan o thumbs down kung tutuluyan o papatayin.

Noon kapag thumbs up, bino-booo, mas ipinagbubunyi ang thumbs down sign dahil masaya ang tao na makita ang dugo ng papataying talunan.

Balik na ba tayo sa lumang panahon ng Roman Empires?

***
Mag-email sa ariel.inton@gmail.com o mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>