Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

IMBESTIGAHAN AT KASUHAN SI DA SEC. PROCESO ALCALA

$
0
0

ANG pera ng pamahalaan ay pera ng taumbayan. Ang pera ni Alcala ay pera ni Alcala.

Hindi biro ang P14.4-bilyon sapagkat pera ito ng mga magsasaka at pesante, pera ito ng mga Filipino, kaya hindi dapat palusutin ni Pangulong Aquino si Proceso Alcala.

Hindi dapat na palampasin na lang ng mga magsasaka at ng mga makabayang organisasyon tulad ng Bayan Muna, Sanlakas, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at ba pa ang laban kay Proceso Alcala hinggil sa P14.4-bilyon.

Hindi ko alam kung ano ang plano ni Pangulong Aquino kay Alcala. Mahirap kasing espelingin si Aquino. Noong si Dr. Enrique Ona ay nasangkot sa kuwestyunableng pangbakuna, kaagad siyang pinag-leave ni Pangulong Aquino upang magkaroon ng malalim na imbestigasyon upang malaman ang lalim at lawak ng anomalyang kinasangkutan ni Ona at ng iba pang posibleng may kinalaman sa kontrobersiya.

Sa pagpapaalis kay Ona, agad ipinalit si Undersecretary Janette Garin bilang “acting secretary” hanggang naging permanenteng kalihim ang kasamahan ni Pangulong Aquino sa Kamara del Representante. Ibig-sabihin, hindi talaga kaibigan at malakas kay Aquino si Ona, kaya tanggal siya sa puwesto.

Si Director General Alan Madrid Purisma ay hindi naman ipinatanggal ni Aquino sa kabila nang pagsasampa ng kasong graft and corruption sa Office of the Ombudsman laban sa dating hepe ng Philippine National Police. Hindi ba’t ang Office of the Ombudsman pa ang nagpasuspinde kay Purisima bilang pinuno ng PNP at hindi si Pangulong Aquino?

Tapos, may kaso na nga sa Office of the Ombudsman at suspendido pa bilang hepe ng PNP, pero estratehiko ang naging papel sa “Operation Exodus” sa Mamasapano, Maguindanao nitong Enero 25 na nauwi sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force ng PNP, limang sibilyan, at iba pa.

Kaibigan at napakalakas talaga kay Pang. Aquino ni Purisima. Hindi ko po talaga alam ang plano ni Pangulong Aquino kay Proceso Alcala.

Pero, kung ako ang tatanungin ay tanggalin si Alcala sa DA at magsagawa ng malalim na imbestigasyon upang malaman kung mayroon talagang nagawang krimen si Alcala at ang kanyang mga kasapakat sa nasabing kagawaran o wala.

Maaaring isama sa imbestigasyon ang chief-of-staff ni Alcala na si Atty. Dennis Guerrero. Kung may nagawang krimen tulad ng graft and corruption at plunder ay sampahan ng kaso si Alcala. Pero, kung wala naman, e ‘di wala.

Mas mainam ito kaysa patuloy na nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan si Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III.

***
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>