WALA pa ring tigil ang lantarang operasyon ng mga video-karera at paglalatag ng mga ito sa mga barangay sa ilang bayan ng Rizal.
Halos ganoon pa rin, ni hindi man lang natinag ang mga nakalatag na VK sa bayan ng Morong, Jala-Jala, Taytay at Tanay.
Nakaporma pa rin ang sandamukal na VK na inilatag ni Rico sa Morong, Jala-Jala, Taytay at Tanay sa kabila ng tinawagan na natin ng pansin ang mga alkalde ng bawat bayan dito.
Ang katwiran kasi ni Rico, wala raw magagawa sina Jala-Jala Mayor Narsing Villaran, Morong Mayor Armando San Juan, Tanay Mayor Rafael Tanjuatco at Taytay Mayor Janet de Leon Mercado dahil nagbibigay siya ng ‘timbre’ sa pulis na si Rolly Baylon ng PNP-Rizal.
Ipinagmamalaki ni Rolly Baylon na siya ang tong-collector ni Rizal PD Supt. Bernabe Barba. Totoo ba ito?
STL NI KAP. NOEL SA SAN JOSE, PADER
Sa San Jose, Batangas kaya pala hindi mapatigil ang bookies ng Small Town Lottery (STL) ni Kap. Noel ay dahil sa protektado siya ng utol na pulis na si SPO1 Virtucio.
Ang tindi ng mamang magbubukis (Kap. Noel) na ito dahil sa halip siya at ang utol nito ang manguna para hulihin ang mga bookies ng STL sa bayan ng San Jose ay sila pang magkapatid ang promotor sa kanilang lugar.
Palibhasa ginagamit ng mga ito ang kanilang kapangyarihan sa kailigalan.
BOOKIES NG KARERA NAKATIMBRE SA PULIS
Sa Maynila naman, patuloy ang operasyon ng bookies ng karera ni Billy sa mga presintong gaya ng PS3, PS7 at PS5.
E, paano nakatimbre siya sa mga tong-collector na sina PO2 Ronald Bautista ng PS7 at PS3 at PS5 PO1 Roel Robles.
Paging SILG Sec. Mar Roxas at NCRPO chief Gen. Mel Valmoria!
***
Anomang reklamo puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
