Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

QCPD HANDA NA SA PAGBUBUKAS NG KLASE

$
0
0

HANDANG-HANDA na talaga itong pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) para sa nalalapit na pagbubukas ng klase ngayong darating na Hunyo 1 para mabigyan ng tiyak na seguridad ang ating mga estudyante sa Quezon City.

Minabuti nitong si QCPD District Director Gen. Joel  D. Pagdilao, na makipag-ugnayan sa 142 mga barangay sa lungsod Quezon para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa sinomang indibidwal na posibleng manamantala sa mga ito.

Maganda ang layunin nitong si Gen. Pagdilao dahil hindi lang mga pulis ang makikita natin sa kalye sa pagbubukas ng klase kundi maging ang mga  barangay tanod ay lalabas din.

Naniniwala itong magiting na heneral na malaking tulong ang mai-aambag ng ating mga barangay tanod sa pagmo-monitor sa mga paaralan na nasa kanilang  barangay para lalong mapangalagaan ang mga estudyante sa kanilang unang araw ng pasukan.

Sa bagay, may katwiran nga naman itong si Gen. Padilao kung bakit gusto niyang makatulong ang mga barangay tanod dahil sila nga naman ang higit na nakakikilala sa mga mapagsamantalang individual sa kanilang barangay.

Unang-una ng imo-monitor dito ‘yung mga indibidwal na nambubuli sa mga estudyante, bukod pa sa pagmo-monitor ng iba’t ibang kaso tulad ng  fraternity, pangingikil, snatching at kidnapping.

Kaugnay pa rin sa nalalapit na pasukan, tiyak na magkakagulo ang mga teacher, estudyante at mga magulang dahil sa pagpapairal ng bagong educational system ngayon – ang K+12 kung saan ay mahigpit itong  tinatanggihan ng mga magulang, guro at estudyante, maging ng ating ilang mambabatas.

Sa bagay nga kung iisipin nating mabuti ay ano nga naman ang gagawin ng mga teacher sa pagtuturo sa mga senior high school, anong subject ang kanilang ituturo? Pang-1st at 2nd year college ba o gagawa sila ng panibagong  lesson plan?

‘Yan ang malaking problema ngayon ng mga teacher kaya asahan nang dagdag kaguluhan na naman ito sa dating magulong enrolment tuwing darating ang unang araw ng pasukan.

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhetyon at komento,  mag-text lang po sa 09353110472 at 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>