Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SISTEMANG BULOK SA SSS BACOOR, MANAGER SIBAKIN?

$
0
0

MISYON-AKSYON_Arnel-PetilDAPAT na sigurong sibakin sa puwesto ang Branch Manager ng SSS Bacoor na si Virginia S. Cruz. Biruin ninyo, isang miyembro ng SSS na si Philip Osalla Gravino ang nag-file ng claim sa benepisyo, kasama na ang kanyang mga anak, kaugnay ng namatay niyang asawa pero inabot ng dalawa’t kalahating taon na pabalik-balik siya sa tanggapan ng SSS.

Makailang beses na po itong inilapit ng Misyon Aksyon sa MAD Office at lagi namang binibigyan ng referral letter, subalit wala pa ring nangyari. Katunayan, halos mawalan na ng pag-asa sa dami ng sistemang bulok na ginagawa sa kanya na magpabalik-balik at sa bawat punta niya ay may iba’t ibang dahilan.

Nang nahulugan ng kompanyang Rempil (employer) ang kanyang SSS ng kalahating buwan, agad siyang nagpunta sa kompanya at binigyan ng certificate at nang bumalik uli siya sa SSS, inirason naman sa kanya na diumano’y ‘di makita ang kanyang tirahan ng nag-imbestigang taga-SSS.

Kaya pinayuhan ko si Gravino na magpunta sa barangay at humingi ng katibayan na doon sila nakatira. Nang bumalik siya sa SSS,  iniatas naman sa kanya na magpagawa ng affidavit ng kaniyang biyenan o kapatid ng kaniyang asawa na nagsasabing wala pa siyang asawa ngunit matapos nito, pinapupunta naman siya sa SSS Main Office dahil umano sa problema sa hulog ng kanyang asawa.

Minabuti na po ng inyong lingkod na sadyain ang tanggapan ng MAD pero nabigo ako. Pinaghintay ako ng kalahating oras ngunit sa huli ay wala akong nakausap kundi ang guwardiya. Ibinigay ko na lang sa isang Ricky na messenger ang diaryong doon ko isinulat ang problema at ipinakiusap na ibigay kay Mrs. Marrisu Guevarra, EVP Public Affairs, para masagot nila ang tinalakay ko sa aking kolum.

Ang sistema ng kanilang itinalagang guwardiya na baguhan ay bugok din kaya naawa tuloy ako sa isang miyembro na naghahanap kay Mr. Ibay na ‘di rin pinatuloy dahil wala umano ito.

Agad kong hinanap ang isa kong kakilala na officer na ACCES at sinabi ko ang naging problema kay  Mrs. Emy B. Gravino na asawa ng namatay kaya ‘di nagdalawang isip na samahan ako kay Eugenia D.  Dela Cruz, Department Manager II,

Member Relations Department na kahit oras ng kanyang pagmemeryenda ay agad akong inasistihan at niresolba ang aking pakay.

Kaya ang panawagan ko po  kay SSS Chairman Emiliano de Quiros, baka puwedeng sibakin muna sa puwesto si Miss Virginia Cruz ng SSS Bacoor Branch.

Sayang po ang malaking ipinasusuweldo sa kanya ng mga miyembro ng SSS dahil “Deletion o Untagging” lang pala ang problema.

Simpleng problema pero pinaikot-ikot pa ‘yung nagki-claim ng benefits at ang mga guwardiyang dapat na itinatalaga sa 7th floor ay dapat bihasa sa pakikiharap sa mga tao dahil ang mga nagsisipagpuntahan doon ay miyembrong may mga mabibigat na suliranin.

Paging Mayor Strike Revilla, sir, request po namin hilingin ninyo SSS na sibakin na lang ang branch manager ng SSS Bacoor kasi kinakawawa lang nito ang mga consti-tuent ninyong miyembro ng SSS.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>