Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PALUBOG NA ANG ARAW, SINUNGALING PA RIN

$
0
0

DADAAN sa masusing proseso ang pagpili ni PNoy ng kanyang mamanukin sa 2016 Elections upang masiguro na maitutuloy ang kanyang nasimulan [daw] na Tuwid na Landas.

Anak ti kalding! Ano bang Tuwid na Landas na patuloy na ibinibida nitong si PNoy samantalang binalot na siya ng sangkaterbang isyu ng kapalpakan at korapsyon.

Karkula ko’y dapat humarap itong si PNoy sa dambuhalang salamin upang masampal siya mismo ng kanyang sarili patungkol sa kahambugan ng Tuwid na Landas.

Duda ko pa [nga] na todo-nerbiyos na itong si PNoy dahil nalalapit na ang pagtatapos ng kanyang kahambugan sa Malakanyang pero ang makulit daw na si Sec. Mar Roxas ay tila buwang na bilang kandidato ng Liberal Party.

Kasi raw… ipinipilit pa rin nitong si Roxas kahit wala itong kapana-panalo bilang susunod na Pangulo ng bansa. Ang problema, may promiso na raw itong si PNoy noon pang 2010 Elections.

Ang mas matindi pang problema ni PNoy ay tiyak na sa hawla ng ospital o anomang uri ng kulungan ang lagapak nito kapag kalaban sa pulitika ang susunod sa kanyang trono.

Ito ang totoong problema, hindi ang masiguro na maituloy ang lintek na Tuwid na Landas na ‘yan. Walang pag-asa itong si Roxas, maging itong si Boy Tustado na tinusta na nang husto sa Senado.

Sa palagay ninyo, bakit kaya kinausap ni PNoy si Sen. Grace Poe? Sa mga huling araw ni PNoy sa kanyang trono ay karagdagang kakampi ang kailangan nito at hindi mga kaaway.

Maniwala kayo, taumbayan! Unti-unti nang babait o bait-baitan itong si PNoy sa mga susunod na araw habang papalapit ang 2016 Elections. Baka bukas makalawa ay kakausapin na rin niya itong si Aling Gloria.

Pero habang gusto ni PNoy na madagdagan ang kanyang mga kakampi ay unti-unti na rin siyang lilisanin ng mga dati niyang kaalyado na umuto at nakinabang sa kanyang paghahari sa Pinas.

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>