Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TITINO ANG R4-A KAY GEN. ALBANO

$
0
0

ANG 4A ay isang rehiyon na maituturing na ‘problem area’ ng PNP dahil sa dami ng lawbreaker sa bahaging ito ng bansa.

Krimen dito, krimen doon – ‘yan ang malungkot na katotohanan na ‘di natugunan ng mga regional commander na naitalaga rito.

Ngayon ay may bago na namang director ang rehiyon na kilala rin sa tawag na Calabarzon area sa katauhan ni C/Supt. Richard Albano.

Sa pagkakatalaga kamakailan ni Sec. Mar Roxas kay Gen. Albano bilang R4A, tiyak na titino ang mga ‘halang ang kaluluwa’ riyan sa rehiyon.

Si Gen. Albano ay isa sa tinatawag na ‘The best of the Best’ ng PNP dahil sa rami ng mga naresolbang malalaking krimen.

Sinasabi ko ang lahat ng ito dahil ako’y saksi sa maningning na career ng heneral mula pa nang siya’y batang police lieutenant sa Bulacan.

Kaya nga kung tawagin ko siya’y si ‘Nero Wolfe’, ang magaling na fiction police detective sa bansa ni uncle Sam.

Kumbaga sa pelikula, blockbuster ang police career ng heneral dahil sa  matagumpay na pakikipagtunggali sa mga kriminal.

Siya’y masasabi kong ‘ruthless’ sa mga halang ang kaluluwa, subalit malambot ang puso sa kumikilala sa kahalagaan ng buhay.

Parang nakikinita ko nang gugulong ang ulo ng ilang provincial commander at city at town chiefs diyan sa area ng Calabarzon.

Tiyak na masisibak ang tamad at may sapak sa ulong mga commander na pakuya-kuyakoy lang sa kanilang mga opisina.

Kaya payo natin sa limang PD sa rehiyon, aba’y magpakitang-gilas kayo kay ‘Nero Wolfe’ para kayo’y ‘di masibak sa puwesto.

Ang tip natin, galit si general sa droga kaya kayong mga pulis na kumukunsinti sa mga pusher at adik, maghunos-dili na kayo.

Walang sinasanto si Gen. Banong, awtoridad man o mga drug peddler at user, siguradong kayo’y may paglalagyan.

Basahin n’yo ang libro ni Rex Stout, ang may-akda ng exploit ni ‘Nero Wolfe.’

‘Yan ang bagong police director ng R4A.

Pramis! CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>