Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAYABANG NA MTPB

$
0
0

DAPAT batid ng mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau ang hangganan ng kanilang responsibilidad at trabaho sa lungsod ng Maynila.

Isa sa pangunahing layunin kung bakit sila nagtatrabaho sa kalye ay upang mangasiwa at mangalaga ng kapayapaan at kaayusan sa lansangan. Pero parang iba na ang ginagawang paghuhuli ng mga tauhan ng MTPB.

Tila hindi na iginagalang ng mga ito ang mga taong nagbabayad ng kanilang buwanang sahod. Ilang beses na ring narinig na may nagrereklamo sa kanila dahil sa pagiging arogante at hindi makatwiran.

Minsan, kahit opisyal at empleyado ng Manila city Hall ay nagkakaproblema sa kanila sa paggawa nila ng mga pagkakakitaan. Isang halimbawa na rito ay ang pagtatago sa mga lilim ng puno o poste para lang makahuli ng lalabag sa batas.

Dapat ang una nilang gawin ay magmando ng trapiko ubang hindi ito magkabuhol-buhol. Pero ang inuuna ng mga ito’y ang panghuhuli dahil sa kanilang kikitaing komisyon.

May pagkakataon pa na nang-aagaw ng manibela ang mga ito para lang mapahinto ang taxi driver na ayaw ibigay ang lisensya dahil ipinaglalaban ang karapatan na wala siyang batas na nilabag.

Isa sa may gawain na ganito si Roberto Jamias, miyembro ng MTPB na nakatalaga sa Mayhaligue at Abad Santos na sa halip na magsuot ng T-shirt na asul at madalas nakasuot ng itim na jacket upang maitago ang kanyang pangalan.

Noong Lunes ng gabi bandang alas-9, pinara nitong si Jamias ang taxi na sinasakyan ng kaibigan ng inyong lingkod kung saan kasama ng kaibigan ang kanyang anak.

Sira ang traffic light sa nasabing lugar, pero inakusahan ni Jamias ang driver ng beating the red light. Natural na pumalag ang kawawang driver. Dahil doon, biglang sinabihan nitong enforcer na si Jamias ang driver na babarilin kapag hindi ibinigay ang lisensya.

Ipinagyabang pa na kamag-anak niya si Col. Elmer Jamias na dating hepe raw ng Station 2.

Dahil sa sinabi, biglang natakot ang anak nitong kaibigan ng PAKUROT at maging ang bata dahilan upang humingi ng tulong sa inyong lingkod na kaagad humingi ng responde sa mga tauhan ng Algue Police Station sa pangunguna ni Capt. Roberto Mangune.

Sa asar ng traffic enforcer dahil hindi niya akalain na may kakilala ang pasahero ng taxi, bigla na lang niyang sinapak sa mukha ang driver kaya’t pumutok ang labi nito. Mabilis na tumakas si Jamias.

Duwag din pala. Dapat sa ganitong klaseng tauhan ay sibakin na dahil nakasisira lang ito sa pangalan ng kanilang tanggapan.

ROCESSION, MASS, ANG TREE-PLANTING ON SEPTEMBER 26

Mayor De Guzman revealed that they are also exploring tie-ups with the Bayani Challenge group of Jose Mari Oquiñena, director deneral of the Philippine Information Agency, for massive tree-planting on September 26 (Ondoy anniversary). The group is composed of 2M volunteers, majority of whom are identified with Gawad Kalinga and Couples For Christ.

The Alliance of Seven is composed of Rodriguez, San Mateo, Quezon City, Antipolo, Pasig, Cainta, and Marikina. While, PDRF is co-chaired by Jaime Zobel de Ayala, Manuel V. Pangilinan, and Cardinal Luis Antonio G. Tagle. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>