Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LP PATUNGO NA KAY GRACE POE

$
0
0

MUKHANG tuloy-tuloy na ang Liberal Party sa paglalagay kay Senadora Grace Poe bilang kanilang pambato sa pampanguluhang halalang sa 2016.

Ito ang nakikita nating direksyon ng naturang lapian matapos magsunod-sunod ang pahayag na nasa proseso pa ng pagpili ang LP at hindi pa pinal na si DILG Sec. Mar Roxas na ang opisyal nilang ilalaban sa panguluhan.

Nagkasunod-sunod ang agam-agam na hindi si Roxas ang ieendorso ng LP matapos kausapin ni PNoy si Grace Poe at sabihing pwede siyang mag-endorso ng hindi taga-Liberal sa 2016.

Nadugtungan pa ang misteryo nang sabihin ni Poe na walang posisyong sinabi ang Pangulo na kanyang inooper sa 2016.

Malinaw rin na matapos ang pag-uusap nina PNoy at Poe ay marami nang nagsasalitang LP members na kinikilala rin naman ng partido, na napapanahon na ring lawakan sa labas ang opsyon o pilian para sa pambato nila sa pampanguluhang labanan dahil sa hayag na rason na hindi pumapalo si Roxas sa survey.

Halata ring hati ang liderato ng LP kina Roxas at Poe at malinaw nga rito ang paghayag ng suporta ni Senate President Franklin Drilon at Sec. Butch Abad kay Roxas habang si Speaker Feliciano Belmonte at maging ang alalay nitong si Cong. Neptali Gonzales ay mistulang tagapagsalita na ni Grace Poe.

Hayag ding rason na maging si PNoy ay nagdadalawang-isip na rin kay Roxas dahil bukod sa hindi ito kinakagat ng mamboboto ay talaga namang kapag ngayong ginawa ang halalan ay mistulang kakainin ito nang buo ni VP Jojo Binay, kahit pa giniba na ito ng grupong dilawan.

Sa pinakahuling survey, halos tabla na si Binay at Poe kaya malinaw na naghahanap na ang taumbayan ng bagong mukha na malinis ang pagkatao at walang bahid korapsyon ang pangalan.

Pormalidad na lang ang inaantay ni Poe kaya dapat nang mag-isip nang husto si Roxas kung papayag ba siyang maging Bise Presidente na lang ng anak ng yumaong hari ng pelikulang Pilipino. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaz de


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>