Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AIRBUS PLANE DELIKADO; PAANO ANG PAL, CEBU PAC?

$
0
0

NAKATATAKOT ang nagaganap sa mga eroplanong Airbus.

Kaugnay nito ng biglang paghinto ng mga makina ng isang Airbus 330-300 habang lumilpad ito mula sa Singapore patungong Tsina.

Mula sa halos 40,000 na piye sa ibabaw ng karagatan, bumaba ito ng nasa 4,000 metro o apat na kilometro dahil sa pagkamatay ng makina nito.

Hindi namalayan ito ng 182 pasahero pero alam ng 12 crew, kabilang ang mga piloto nito.

MASAMANG PANAHON

Ayon sa management ng Singapore Airlines na may-ari ng eroplano, naganap ang pangyayari mga isang oras at kalahati makaraang lumipad ang Airbus mula Singapore at binabaybay na nito ang tapat ng baybayin ng isang lugar sa Tsina.

Nakabangga umano ang eroplano na isang masamang panahon at biglang huminto ang mga makina nito.

Mabuti na lamang at naayos ang mga makina bago ito dumating sa puntong maaaring basta na lang bumulusok o magbali-baligtad sa ere bago bumagsak.

Mabuti na lang at maayos na nasunod ng mga piloto at iba pang crew ang muling pag-andar ng mga makina at nag-landing sa Tsina na parang walang nangyari sa ere.

Naganap ang pangyayari nitong nakaraang Miyerkules at sinasabing nakabalik na ang eroplano sa Singapore para sa kaukulang inspeksyon.

AIRBUS BUMAGSAK

Mahalagang mabahala tayo, mga Bro, sa pangyayari sa Airbus lalo na at may bumagsak nang eroplanong Airbus sa Seville airport sa Espanya nitong nakaraang Mayo 9, 2015.

Apat ang namatay makaraang basta na lamang bumagsak ang military plane ng Airbus habang lumilipad pa lang pataas sa nasabing airport.

Nagbabala mismo ang Airbus ukol sa posibleng depekto ng mga eroplanong Airbus na katulad ng bumagsak na isa.

Lahat ng mga bansa sa Europa na may katulad na eroplanong gawa ng Airbus ay pinatigil na lumipad.

Kabilang sa mga bansang ito ang Spain, Britain, Germany, Turkey at Malaysia sa Asya.

Kasalukuyan nang isinasailalim ang lahat ng mga katulad na eroplano sa mga pagsusuri upang malaman ang mga depekto nito.

Subalit sa isang pagsusuri, may depekto umano ang Electronic Control Units ang ilan sa mga eroplano.

Kaya sinasabing dapat mag-check ang lahat ng mga bansang may airbus na eroplano upang malaman kung may mga depekto nga ang kanilang mga eroplano.

PAL AT CEBU PACIFIC

Ang tanong natin ngayon, mga Bro, ay nagsasagawa ba ang mga kumpanyang eroplano ng Pilipinas ukol sa kanilang mga eroplano?

Ito ang dapat na klaro sa ating lahat sa mahal kong Pinas.

Halos lahat yata ng eroplano ng Cebu Pacific ay gawang Airbus.

May 50 piraso lahat ‘yan at bumabiyahe kahit saan sa Pinas at iba’t ibang bansa sa Asya.

Ang Philippine Airlines naman, mga Bro, may 76 na eroplano at marami sa mga ito ang gawang Airbus din.

Nang patigilin ng ibang bansa ang kanilang mga eroplanong Airbus para masuri ang mga ito, umaksyon din ba ang PAL at Cebu Pac para sa kaparehong gawain?

O tuloy-tuloy lang ang papapalipad ng mga ito ng kanilang mga eroplano para sila kumita?

Aba, nagpapaligsahan ang dalawang ito sa pagbibigay ng murang pasahe at serbisyo at wala tayong balita sa pagpapa-check-up nila ng kanilang mga eroplano.

PAALALA NG CAA

Siyempre pa, ang Civil Aviation Authority ng Pinas ang dapat na mag-obliga sa mga kompanya ng eroplano na isailalim ang kanilang mga Airbus sa tamang pagsusuri.

Mayroon ba itong aksyon ukol dito?

Sana naman.

Sapagkat hindi malayong mangyari sa mga Airbus ng Pal at Cebu Pac na bigla na lang babagsak habang papalipad ang mga ito mula sa airport.

O kaya, bigla na lang mamatayan ng makina ang mga ito habang nasa kalangitan na at walang kamalay-malay ang mga pasahero na nasa loob na pala sila ng mga lumilipad na kabaong.

BUKAS NA PAHAYAG

Nais nating hilingin ang mga management ng PAL at Cebu Pac na magpahayag sila sa publiko na nakagawa na sila ng mga inspeksyon ng kanilang mga eroplanong Airbus.

Ganito rin ang ating hiling sa CAA at sinomang awtoridad na may sakop sa paglipad ng mga eroplano sa mahal kong Pinas at internasyonal na ring biyahe.

Ang bansang Malaysia na ating kapitbahay ay tsinekap ang kanilang mga eroplano, wala tayong narinig na parehong aksyon ang mga PAL, Cebu Pac at CAA.

Aba, panay ang sakay natin sa mga ito ngunit wala tayong naririnig na aksyon ukol sa nangyari sa Espanya at sa SIA sa Tsina.

Aba, diretsuhin natin, may Airbus 330 ang PAL at mayroon din nito ang Cebu Pac.

Ayaw nating makita na kasama tayo o sinoman sa ating naglalakbay ang basta na lang biktima ng plane crash sa kapabayaan ng mga kumpanyang ito.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>