Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GIMIK NI DIGONG

$
0
0

SUS ginoo, ano kaya ang tingin nitong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga Filipino? Mga tanga at basta-basta na lang kakagat sa kanyang mga pakulo?

Deny-to-death pa siya sa kanyang planong pagtakbo pero hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na tatlong bigating publicist ang kanyang inarkila upang palutangin ang kanyang pangalan bilang presidentiable? Sinong ginagago mo, sir?

Ito namang ilan sa ating kababayan, aba’y bilib na bilib dito kay Duterte. Kilig na kilig sila tuwing magpapaandar itong si Duterte na kanya umanong uubusin ang mga kriminal at mga korap na politiko kaya ayaw niyang tumakbo bilang Pangulo.

Scripted na scripted itong pagkukunwari ni Duterte na ayaw niyang tumakbo pero mapipilitan siya dahil ito ang gusto ng taumbayan. Bulok na at lumang-lumang style na ‘yan kaya ‘yung mga boploks na lang ang maniniwala sa ganyang pakulo.

Maging ang pa-macho epek ni Duterte ay bogus din dahil sa totoo lang, puro mga small-time lang naman na kriminal ang mga nadadale sa Davao City. Kung hindi mga small-time na kriminal na walang kalaban-laban ang pinapatay ay mga miyembro ng local media na bumabanat sa kanya ang kanyang pinagdidiskitahan.

Hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya ang ginawang pagpatay sa mga dating brodkaster na sina Jun Pala at Ferdie Lintuan na isang matalik na kaibigan. And yet, ang ipinagmamalaki nitong si Duterte at kanyang mga kampon ay ang diumano’y kapayapaan sa Davao City.

Kelan pa naging mapayapa ang isang siyudad na walang pakundangan ang ginagawang pagpatay, aber?

Ipinagmamalaki rin ni Duterte ang pagiging maunlad ng Davao City pero sa mga nakaaalam ng tunay na kalagayan ng mga komunidad sa naturang lugar ay alam nilang ito’y malaking kalokohan.

Ang Unang Distrito ng Davao lang po ang maunlad na bahagi ng Davao ngunit kapag pupuntahan mo na ang ibang lugar gaya ng Paquibato district, malalaman mong napakarami sa ating kababayan doon ang napagtampuhan ng kapalaran.

Napakarami ang naghihirap na taga-Davao at sa katunayan, napakarami sa mga ito ang lumuluwas na lang sa Maynila upang dito makipagsapalaran. Bakit ba magtitiyaga ang mga taga-Davao rito sa mabaho at mausok na Maynila kung talagang maganda ang buhay sa kanilang lugar?

Maganda ang Davao hindi dahil sa sinomang tao kundi dahil nabiyayaan ito ng napakaraming likas na yaman. Hindi si Duterte ang may gawa niyan kundi ang Poong Maykapal. Ang mga ibang sinasabi tungkol sa Davao at tungkol kay Duterte ay pawang gimik lang.

****
Para sa inyong mga sumbong tungkol sa mga mali sa lipunan at mga tiwaling lingkod-bayan, mga komento at suhestiyon at mag e-mail lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>