MULI nating silipin itong talamak na operasyon ng mga video-karera ng isang barangay kapitan at ang utol nitong konsehal ng bayan sa San Jose del Monte, Bulacan.
Ang masakit dito, kung sino pa ‘yung mga inaasahan ng mamamayan na susugpo sa salot na sugal ay ang mag-utol pa raw na ito ang nagsisilbing operator ng sugal.
Halos buong barangay o sitio sa District 1 at 2 ng San Jose del Monte ay pinamumugaran na ng sangkatutak na VK ng mag-utol na sina Kap. Lily Ann at Kon. Mir.
Hindi ginagalaw ang mga salot na VK ng mag-utol dahil sa malakas sila kina San Jose del Monte Mayor Rey San Pedro at ang chief-of-police nitong si Supt. Cabradilla.
E, ang balita ko pa nga, bukod sa talamak na operasyon ng mga VK ng mag-utol ay lantaran din daw ang bentahan ng tobats kung saan ay nakalatag ang mga vk ng mag-utol.
Hindi ko sinasabi na ang mag-utol na ito na sila rin ang source ng tobats dito.
Ang pinagtatakhan ko lamang ay kung bakit pati sa area of operation ng mga vk ng mag-utol ay malaya na iniaalok ang mga tobats sa mga nagmamag-damagang nagsusugal ng video-karera, kabataan at katandaan!
Pinasok na rin ba ng mag-utol ang droga, nagtatanong po ako, he..he..he..tsk..tsk..
MORO-MORO NGA LANG BA ANG HULIHAN
Wala pa ring aksyon ang kapulisan ng Region 4-A sa hindi matinag na operasyon ng bookies ng STL ni ex-Kap. Noel Virtucio sa San Jose, Batangas.
Ano ang ginagawa ng mga kapulisan dito, bakit hindi nila mapatigil ang matagal nang bookies ni Kap. Noel sa bayan ng San Jose, Batangas?
Mukhang moro-moro o lokohan lang ang ginagawang panghuhuli ng grupo ni Maj. Rubio ng R6 sa mga vice sa nasakupan ng rehiyon.
Magkano ba ang napag-CASHunduan.
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA