Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

QUEZON CITY POLICE DISTRICT ANTI-ILLEGAL DRUGS, THE BEST

$
0
0

MAY 45 kilo ng shabu ang nasabat ng District Anti-Illegal Drug (DAID) ng Quezon City Police District (QCPD) kailan lang.

Ito ang pinakamalaking bultong nakatkong para sa taong ito ng QCPD-DAID.
Ang halaga, P225-milyon lang naman.

Isang mataas na pagkilala at pagbati ang ipinaaabot natin kina QCPD District Director JOEL DULDULAO PAGDILAO at kay C/Insp. BERT RAZON, ang prinsipe ng “Tsamba Team” ng QCPD!

Maganda ang sinabi nina Director JOEL at Major BERT. “Habang nagkalat ang iligal na droga, tumataas ang krimen…” Totoo naman ito.

Sa buong bansa, ang karamihan sa mga kriminal pati mga terorista ay lulong sa droga sa paggawa ng kanilang krimen.

Masyado na ang pagkalat ng iligal na droga.

Kung tutuusin, ang unang base ng pagsugpo dapat ay mula sa pamilya hanggang barangay.

Alam ng miyembro ng pamilya kapag may nalulong na miyembro sa pamilya nila.

Sa labas ng bahay ay komunidad ng barangay at hindi rin lihim ang masasamang bisyo sa mga opisyal nila.

Hindi pwede na iasa lahat ang pagsugpo ng lahat na krimen sa Pambansang Pulisya at anomang ahensiya ng mga awtoridad ng bansa. Kailangan ang aktibo at pangungunang aksyon ng pamilya at barangay.

Hindi biro ang bumira ng mga miyembro ng sindikato ng iligal na droga.

Mayaman sila. Mapera at kayang-kaya magpapatay ng mga operatibang sangkot sa mga operasyon para pilayan ang sindikato.

Marami na ang naging biktima ng sindikato-mga pulis at tulak mismo nila.

Ang tropa ni Major Razon ay kakaiba. Maingat magplano, matiyaga magbantay at plantsado ang operasyon kaya nagbubunga ng maganda.

Hindi naialis ni Razon sa aming kwentuhan noon na meron pa rin naman mga pilyong pulis na nadudulas magtimbre sa mga iligalista.

Totoo ang sinabi niya. Marami tayong nakilala na ganyan noong nasa police beat pa tayo.

Sila ‘yung mahihilig sa bangketa at palit-ulo = kuwarta na. Sila na hindi lang sangkot sa iligal na droga kundi sa marami pang iligal na bisyo na sumisira sa mamamayan lalo na sa mga kabataan.

Kaya naman, sana’y magtalaga na ng FULL-TIME PNP CHIEF si Pangulong Benigno Aquino III para lalo pang makakilos ang mga pulis.

Mahirap kasi ang OIC o Acting lamang, Mr. Aquino. Alam mo iyan!

Bigyan mo ng higit pang lakas ang PNP.

Bigyan mo ng todong suporta at lakihan ang kanilang pondo na magagamit sa kanilang pagpapaibayo ng husay at galing.

Yes, QCPD and DAID is the best police district entire our nation. Salute to DD Joel Pagdilao, C/Insp. Bert Razon and the whole of DAID! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>