Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HOUSE BILL NI SIR TSIP PAGDILAO PARA SA SIKLISTA

$
0
0

ANG House Bill 5810 o Bicycle Lane Act of 2015 na inihain nitong si  Congressman Samuel “Sir Tsip“ Pagdilao, ang magiging sagot sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ang tinutumbok ng nasabing panukalang batas na ito’y kaligtasan ng masang siklista hindi katulad ng ibang panukalang batas na ang tinutumbok ay isyu ng pangangalaga ng kalikasan at pagpapalago ng turismo.

Dahil sa hindi naman talaga bumababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay sinisikap ng mga kababayan nating maghigpit ng sinturon at bawasan ang pang-araw-araw na gastusin.

Kaya naman ito rin ang dahilan kung bakit karamihan ng mga ordinaryo nating kababayan, tulad ng mga manggagawa sa pabrika, mga karpintero at iyung mga arawan ang sahod gaya ng delivery man at newsboy, ay nagtitiyagang gumamit ng bisikleta para nga naman makatipid sa pamasahe papunta sa kanilang pinagtatrabahuhan at pauwi ng kanilang bahay.

Masang siklista ang tawag dito ni Congressman Samuel “Sir Tsip” Pagdilao, Jr. at ang mga ito ang sinasabing bumubuo ng 87% ng labor force ng Pilipinas at maituturing nga itong isang sektor ngunit dahil sa walang malinaw na gamit sa politika ang sektor na ito’y hindi pinapansin ng mga grupong militante.

Naalarma na itong si Sir Tsip Pagdilao sa rami ng mga siklistang masa na namamatay sa kalsada nang walang kalaban-laban sa mga rumaragasang motorista.

Sa record ng Metro Manila Development Authority (MMDA), 196 na ang namamatay na siklista sa Metro Manila. Sa buong bansa naman ay abot na sa 6,496 ang namamatay bukod pa dito ‘yung 12,018 mga siklista na survivors ng mga aksidente na ngayo’y hindi na makapaghanapbuhay dahil baldado na kung kaya ang nagiging resulta ay lalong nabaon sa kahirapan ang buong pamilya.

Mabuti na lang at mayroong sensitibong puso sa mga masang siklista itong  si Cong. “Sir Tsip” Pagdilao. Nakalulungkot nga lang na sa dami ng bilang nila ay walang proteksyon ang kanilang buhay at hanapbuhay mula sa pamahalaan.

Wala man lang representasyon sa ating pamahalaan, at ito rin ang sektor na kung sakaling magbiro ang kapalaran sa kanila, ay iaasa na lang sa awa ng langit ang kinabukasan ng kanilang pamilya.

Mabibilang na lang sa ating mga daliri ang mga lider na may malinaw na pananaw sa tunay na kalalagayan ng ating mga mahihirap na kababayan.
Ipinagmamalaki natin na maski pa bago pa lang sa Kongreso itong si Sir Tsip, marami na itong naihaing panukala na kung maisasabatas ay makapagbibigay ng proteksyon sa buhay at hanapbuhay ng mga Pinoy.

Saludo kami sa iyo, Sir Tsip, sana sa susunod ay sa Senado ka na maglingkod dahil aminin man natin o hindi ay maraming senador ang nagbubutas lang ng kanilang upuan.

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestyon, at komento, mag-text lang po sa 09353110472 at 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>