Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RE-URBANIZATION DAPAT NANG ISAGAWA, NGAYON NA!

$
0
0

MAY nagpanukala sa Kongreso na ang layon ay ipagbawal na ang maling pag-parking ng lahat ng uri ng mga sasakyan sa mga lansangan, kalsada at kalye.

Maganda, pero gaano kabilis na gagawin ito ng mga mambabatas natin lalo na ngayon, ang atensyon ng lahat ng politiko ay sa paparating na May 2016 elections?

Agree tayo sa panukalang batas na iyan. Kaya lang sino at papaano na naman ipatutupad iyan? Hindi tamad ang mga awtoridad natin. Ang nasa unang isip nila, papaano na naman pagkakakitaan kapag batas na ang panukalang “No Parking In All Streets and Highways.” Naalala ninyo ang “Seat Belt Law?” Kayo na ang magsabi kung may sumusunod na motorista.

Minsan nasisita sila ng traffic enforcer pero hindi para hulihin kundi pagkakitaan lamang.

Napakahalaga na magsagawa ang mga lider ng bansa ng totohanang programa na RE-URBANISASYON. Sumisikip na ang bawat komunidad dahil sa pagsakop sa mga puwesto na dapat ay maluwag at magaan para sa publiko.

Alam naman na bawal ang pagtitinda sa sidewalks natin pero dahil kumikita sa kanila ang mga opisyal ng barangay at may basbas ng tiwali na mga opisyal sa City Halls, hayun, sakop na ng sidewalk vendors.

Ganyan din sa mga kalye at kalsada. Pumayag ang mga tiwaling opisyal ng barangay at city hall, eh, ‘di terminal na ng jeep, FX, tricycle at iba pang uri ng sasakyan ang dating maluwag na lugar ng komunidad. May ilan ngang mga liwasan at palaruan pa ng komunidad!

In fairness, may ilan na masipag na lider, gumagawa sila ng mga bagong lansangan na talaga namang malaki ang iniluluwag ng daan. Pero ilang tulog lang, masikip na ang daloy ng trapiko dahil ginawang “overnight parking” ng mga may-ari ng sasakyan na walang sariling paradahan.

Para sa kaalaman din ng mambabatas na lumikha ng kanyang panukala, nasa National Building Code ang batas na hindi pwede magpatayo ng bahay o gusali ang sinoman na walang ilalaan na sariling paradahan. Sa kabila niyan, tulad ng napakarami pang batas, ito’y itinuturing lang halos lahat ng mga Filipino at sektor na ang mga kasalukuyang batas natin ay pawang mga SUHESTYON LAMANG!

Masikip, patuloy na sumisikip ang bawat lugar at komunidad natin.

Maluwag naman at malawak pa ang mga lupain pero dahil walang namumuno sa tamang paraan ng paninirahan, pagpapatayo ng mga bahay at gusali – bara-bara, halabira at kanya-kanyang gawa na lang ng istraktura.

Resulta? Hayun parang zigzag road na kalsada, masikip, marumi.

Malulutas ito kung matino ang mga lider-politiko. Magagawa iyan kung may paninidigang pulitikal. RE-URBANISASYON, NOW NA! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES