BAKIT hindi magawa sa buong bansa ang sinimulan nang gawin sa lalawigan ng Zambales kung saan ang buong lawak ng karagatan sa tapat nito ay “under surveillance” hindi lamang sa “radar” kundi ng “camera.”
Ito Ang Totoo: mahigit pitong 7,000 isla ang bumubuo sa bansa kaya sa rami ng “coastal areas” nito, marapat lang na pinagtuunan ng atensyon ang pag-monitor at depensa nito.
Bukod sa depensa, lalo na sa ginagawang pagnanakaw ng Tsina sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippines Sea, makatutulong din ito laban sa mga smuggler, drug pusher, pirata, nagtatapon ng lagis o dumi at iba pang iligal.
Sa inisyatibo ni Zambales Gov. Hermogenes “Jun” Ebdane, naglagay ng mga surveillance camera na konektado sa “satellite” sa iba’t ibang panig ng Zambales kaya nalalaman, halimbawa, na kamakailan ay may apat na barko ng Tsina mga 30 NM mula sa pampang ng Zambales samantalang sa may 20 NM naman ay dalawang US Navy ships ang nakaporma na parang dumidepensa.
Pumayag na rin si SBMA Chairman Roberto V. Garcia na maglagay ang Zambales ng naturang “surveillance system” sa Subic.
Bilang US Navy base noong araw, marami itong lugar na angkop para sa proyekto, tulad ng Mt. Sta. Rita at Grande Island.
Pero ang maganda nito, malalaman na rin ang galaw ng mga “sea-going vessels” na hindi magawa ng inutil na Philippine Coast Guard sa Subic. Ito ang Totoo!
***
Bigyan-daan natin ang ilang impormasyong ipinaabot sa atin kaugnay ng “Bulok na paninda ng Puregold Subic”:
09xxxxx4504: “…dito sa Bulacan ilang beses na rin po ako nakabli ng bulok sa Puregold.”
09xxxxx0932: “…tingnan rin po ninyo ang kanilang karne, masama na rin po ang lagay itinitinda pa.”
09xxxxx2818: “…ano ang ginagawa ng Congress na mahilig mag-imbestiga?”
Parang pipi at bingi ang management ng Puregold kaya talagang kailangan nang kumilos ang Dept. of Trade & Industry at Dept. of Health kung hindi sila takot o kayang tapalan ng kayamanan ng may-ari na mag-asawang Co.
Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.