Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SHABU NAKAPASOK SA SM MALL OF ASIA

$
0
0

WALA talagang pinaliligtas ang ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, naglunsad ng buy-bust operation ang PDEA-NCR sa loob mismo ng SM Mall of Asia sa Lungsod ng Pasay nitong Hulyo 17.

Sa operasyong pinamunuan ni Director Erwin Ogario, nadakip si Nelson A. Cosme, Jr. habang ibinebenta ang 100 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa isang nagpanggap na bibili ng droga.

Hindi nakapalag si Cosme habang hinuhuli siya ng mga ahente ng PDEA-NCR sa tapat ng Burger King Restaurant sa loob ng SM MOA noong 4:30 N.H.

Idiniin lamang ni Cosme na siya’y 17-taong gulang pa lamang, samakatuwid menor-de-edad. Hindi ito pinaniwalaan nina Ogario dahil walang maipakitang dokumento si Cosme na makapagpapatunay na siya’y menor-de-edad. Si Cosme ay nakatira sa Bgy. Sto. Kristo, Dasmariñas, Cavite.

Ang 100 gramo ng shabu na nakuha sa pusher ay P400,000 ang presyo, ayon sa press release ng PDEA.

Ngayong nailatag natin ang detalye ng operasyon, heto ang mga rekomendasyon ko.

Dapat, higit pang paigtingin ng PDEA, Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang kampanya at operasyon laban sa shabu at iba pang mga ipinagbabawal na gamot.

Dapat imbestigahan ang mga guwardiya ng SM MOA dahil kaduda-dudang nakalusot ang pusher na may dalang 100 gramo ng shabu sa kanilang napakahigpit na pagbabantay.

Dapat maghigpit din nang todo ang iba pang mga mall upang hindi maging bentahan ng shabu tulad nang naganap sa SM MOA.

Dapat magkaroon ng batas ang bansa na parusang kamatayan ang hatol sa mga sangkot sa droga kahit sila’y menor-de-edad. Kung hindi kasali ang menor-de-edad sa parusang kamatayan, sila na ang gagamitin ng sindikato na maging pusher.

Lalakas naman ang loob ng mga menor-de-edad na maging pusher dahil kikita sila ng malaking halaga nang hindi maparurusahan ng kamatayan.

Napakahalaga ring lumahok na ang mamamayan bilang ‘mata’, tenga’, at ‘maniniktik’ ng pamahalaan laban sa mga ipinagbabawal na gamot.

XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>