KUMALAS na sa gabinete ni PNoy ang tinusta nang husto ng Senado na si Bise-Presidente Jejomar BInay – noon pa sana.
Napakaganda ng kilos na ito ni Binay dahil magiging malaya na itong magsalita segun sa kanyang interes-pampulitikal. Pwede na niyang punahin ang kampo na kanyang ginamit para isulong ang kanyang interes.
Sa loob ng limang taon ay nagamit niya ang kanyang posisyon sa administrasyon ni PNoy upang lalo pang palakasin ang kanyang ambisyong maging susunod na pangulo ng bansa.
Ngayon na wala nang mahihita sa puwesto habang papalapit na ang 2016 elections at tila ramdam na rin marahil ni Binay na kinukunsinte ni PNoy ang mga akusasyon ng katiwalian laban sa kanya – aba’y namaalam na ang Binay.
Nawa’y tularan ito ng mga kasabwat ni PNoy na lalahok din sa election 2016 lalo na itong si DILG Sec. Mar Roxas na lantaran na nitong inaamin ang kagustuhan niyang manahin ang trono ni PNoy.
Ito’y upang hindi magamit ang ang pondo ng ahensiya upang isulong ang kanilang kandidatura. Sila itong mga gustong manalo sa halalan na gamit ang pondo ng bayan. May ninakaw na sila, gusto pa makalibre sa kampanyahan!
Sinu-sino ba sila sa kampo ni PNoy? Matunog ding tatakbo bilang Senador itong sina MMDA chairman Tuliling este Tolentino, ang hepe ng TESDA na si Joel Villanueva, Justice Sec. Leila de Lima, mayroon pang Sec. Petilla at marami pa sila.
Kaya nahetot ang administrasyon ni PNoy dahil marami sa mga tuta nito’y mga politiko kaya pinulitika ang kanilang trono gaya nung isa pang tuta niya sa DOTC na apo raw nung nagpapatay kay Gat Andres Bonifacio.
Walang duda, taumbayan! Gagamitin nila ang pondo ng kanilang ahensiya upang isulong ang kanilang pampulitikal na interes sa susunod na halalan gaya ng DILG, DOTC, TESDA, MMDA, DOH, DOJ, BOC, DOE… lahat na yata arruuuuu.
Pansinin ninyo… may kanya-kanya na silang patalastas sa telebisyon, radyo at diyaryo na kunwari ay ibinibida ang nagawa ng ahensiya na kanilang pinamunuan – libre nga naman ang political advertisements nila.
Iyan ang ang Tuwid na Landas ng administrasyon ni PNoy na kanilang ibinibida sa atin na para bang sinasabi nila na tanga.. gago at mangmang ang taumbayan.
***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.
