Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PALAKASAN SA ‘TUWID NA DAAN’ NG GOBYERNO

$
0
0

NAGBITIW sa pwesto si Department of Energy (DoE) Sec. Carlos Jericho Petilla dahil umano sa pagtatalaga ni President Noynoy Aquino kay Geronimo Sta. Ana bilang ikalimang commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Nabunyag sa isang ulat na si Petilla, bilang tugon sa utos ng Pangulo, ay nagsumite ng pangalan ng isang may karanasang inhinyero noong Nobyembre 2014 para sa huling komisyoner ng ERC.

Naanunsyo noong Marso 25 na itinalaga si Sta. Ana sa naturang puwesto, kaya tinanong ni Petilla si Aquino sa kwalipikasyon ng appointee.

Ayon daw sa “sources” ng ulat, inamin ng Pangulo kay Petilla na itinalaga si Sta. Ana sa hiling ng mga Aboitiz, at noon lang niya ginawan ng “pabor” ang grupo. Kung totoo ito, nasaan na ang sinasabing “Tuwid na Daan” na inilatag ng Pangulo sa lahat ng tanggapan ng gobyerno?

Naniniwala umano si Petilla na ang kanyang pinalitan, si dating Energy Secretary at kasalukuyang Cabinet Secretary Rene Almendras, isang dating opisyal ng Aboitiz, ang nagrekomenda kay Sta. Ana sa posisyon.

Sa mga kwalipikasyon ng mga komisyoner ng ERC, si Sta. Ana at ang isa pang commissioner ay mga accountant samantalang ang tatlo pa, kabilang na si Zenaida Cruz-Ducut, ay mga abogado. Ang inhinyero na may kadalubhasaan sa teknikal ay mas angkop sa puwesto.

At pagpapasyahan pa ng ERC kung ang Therma Mobile (TMO) na unit ng Aboitiz group ay kabilang sa grupo ng power generation companies na maaaring nagsabwatan sa pagtataas ng singil ng Meralco noong 2013.

Sa pagsisiyasat ng Market Surveillance Committee ng Philippine Electric Market Corporation (PEMC) ay natuklasang 12 sa 34 power generators ang lumabag sa patakaran ng merkado. At sa 12, ang TMO ay isa sa dalawang kompanya na nakagawa raw ng maraming paglabag.

Kung inirekomenda nga si Sta. Ana ng Aboitiz, paano maaasahang tutuparin ng ERC ang tungkulin na protektahan ang publiko sa mapang-abusong power-generating companies?

Imposible ba tayong magkaroon ng gobyerno na walang kuwestyunableng gawain o desisyon?

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>