Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAYOR, RD, PD AT HEPE NG LIPA NAKAPIRING ANG MGA MATA

$
0
0

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin napatitigil ng mga kapulisan ng Batangas ang mga iligal na pasugalan ni Bgy. Kapitan Domeng Macuha ng Purok 1, Bgy. Bolbok, Lipa City, Batangas.

Tila nakapiring ang mga mata nina mayor,regional director, provincial director at hepe sa lantarang operasyon ng mga iligal na pasugalan ni Kap. Domeng, gaya ng sakla, cara y cruz at color games na malakas na makahatak sa mga kabataan.

Tanghali kung magsimula ang operasyon ng mga pasugalan ni Kap. Domeng at libo-libo ang tayaan sa araw-araw na operasyon nito. Dati-rati ay malakasan ang patupada rito ni Kap. Domeng pero nang ni-raid noong June 19, 2015 ng mga Task Force Ikot ni Region 4-A RD Gen. Richard Albano at pansamantalang ipinalit ang mga iligal na pasugalan na ito.

Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit muli na namang namayagpag ang mga pasugalan ni kapitan sa Lipa City.

Magkano kaya ang ibinibigay na timbre ni kapitan kay Lipa City chief-of-police Supt. Carlos Barde?

MAY SUHOL NGA BA SI MAYOR MARTINEZ?

Wala pa ring aksyon si Pakil, Laguna Mayor Vipops Martinez laban sa pamamayagpag ng bookies ng STL ni alyas Caloy sa bayan.

Ano kaya ang dahilan kung bakit nananatiling namamayagpag ang operasyon ng bookies ni Caloy sa nasabing bayan?

Hindi ko sinasabi na malaki ang ibinibigay na ‘tongpats’ ni Caloy kay Mayor Vipops para mapanatili ang bookies nito.

Maging si Laguna PD Supt. Florendo Saligao ay walang ginagawa simula nang maging PD ito.

E, paano makapag-uutos si kernel kung panay ang pakolekta ng mga kolektong niyang sina Sgt. Greg at PO2 Joseph Natividad? Ganyan sa Laguna!

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>