Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SUMMA, MAGNA AT CUM LAUDE NA WALANG K+12

$
0
0

LIBO-LIBO na ang mga napakatatalino na estudyante sa mahal kong Pinas. At nadiskubre ang mga talino at kakahayan ng mga ito sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo na nakakalat sa iba’t ibang dako ng mahal kong Pinas.

Ang klaro, hindi dumaan ang mga ito sa K+12 nina Bro. Armin Luistro at Pangulong Noynoy.

Ngayong may K+12, magkakaroon pa kaya ng mga matatalino at magagaling na estudyante na binabansagang summa cum laude, magna cum laude at cum laude?

WALA NA

Sa isang iglap, mga Bro, wala nang magiging mga summa cum laude, magna cum laude at cum laude.

Dahil hanggang senior high school na lang ang obligadong pag-aaral at bahala ka na sa buhay mo kung magpapatuloy ka pa sa kolehiyo o hindi.

Sa ibang bansa kasi, katwiran ng mga naglalakad ng K+12, hindi mahalaga ang kurso sa kolehiyo o unibersidad at optional na lamang ito.

Matatanda na umano ang mga tao sa ibang bansa na nakaiisip na kumuha ng kolehiyo.

Ganun!

MGA PINOY HENYO

Tulad ng mga nasa Eat Bulaga na talaga namang napakagagaling sa paglabas ng kanilang mga kaalaman o talino, matatawag nating mga Pinoy Henyo ang mga mga summa cum laude, magna cum laude at cum laude na pinaga-graduate ng ating mga kolehiyo at unibersidad taon-taon.

Diyan sa University of the Philippines system, ngayong 2015 graduation ay may lumitaw ng 30 summa cum laude, 248 magna cum laude at 920 cum laude.

Noong 2014, nakapagtapos din ito ng 20 summa cum laude, 200 magna cum laude at 800 cum laude.

Lahat nang ito’y walang K+12 ngunit nakitaan ang mga ito ng mga talino at kakayahan na hindi pupwedeng iitsapwera.

IBANG ISKUL

Ang University of Sto. Tomas nito lang taong 2012-2013, may pitong summa cum laude, 93 magna cum laude at 595 cum laude.

Mula 1976 hanggang 2013, nakapagpatapos naman ang Polytechnic University of the Philippines ng 37 summa cum laude, 227 magna cum laude at 929 cum laude, pwera pa ang 1,349 na honorable mention.

Mayroon ding mga summa cum laude na produkto ng Atene de Manila University at De la Salle University.

Ang Mindanao State University ay nakapagpatapos na rin ng ilang summa cum laude, maraming magna cum laude at cum laude.

WORLD CLASS

Itinuturing ng Pilipinas na kahit papaano ay world class na rin kumpara sa ibang mga bansa ang mga Pinoy Henyo na produkto ng ating mga unibersidad at kolehiyo.

Sa nasa 7,500 kasi na kolehiyo at unibersidad sa buong mundo, kahit papaano ay nasa pang-367 hanggang pang 600 pataas ang mga nangungunang iskul sa ating bansa gaya ng UP, UST, De La Salle at Ateneo.

Kaya lang, kung ikukonsidera ang top 500 at 600, medyo nangungulelat pa rin tayo.

Pero magandang rekord na rin ang grado natin.

Dehado nga lang tayo maging sa Asya na puno rin pala ng mga nangungunang unibersidad sa buong mundo.

HINDI MAPAKALI

Ngayon, hindi talaga tayo mapakali sa programa ng Department of Education na K+12.

Bukod kasi, mga Bro, sa hanggang senior high school lang ang gustong ipakamit ng gobyerno sa mga mag-aaral, grabe ang mga kakulangan sa pagtataguyod ng K+12.

Reklamo mismo ng mga teacher na nakausap natin, sa 10 araw lang na seminar para sa KL+12, gusto na ng DepEd na pawang mga Pinoy Henyo na ang turing sa lahat sa kanila.

‘Yun bang === pawang mga magagaling na sila sa lahat ng mga subject na sakop ng K+12.

Eh, imposible umanong mangyari ito, mga Bro.

WALA LAHAT

Paano umano makapagtuturo ang mga titser nang matino para sa K+12 kung, bukod sa hilaw na hilaw ang kanilang kaalaman at training 10 araw, eh, wala naman palang kagamitan o pasilidad para sa pagtuturo.

Halimbawa umano ang pag-welding, pagmekaniko, elektrikal at pagkompyuter.

Anak ng tokwa, napakarami umanong mga pang-senior high school na wala ang mga gamit na ito.

Paano matututo na maging welder, mekaniko, electrician at computer technician ang mga mag-aaral kung walang welding machine, walang makina, walang gamit pang-elektrisidad at walang kompyuter ang mga school?

BAGSAK SA KABOBOHAN

Hindi kaya kabobohan ang bagsak ng mga batang Pinoy sa ilalim ng K+12?

O kayong dalawang mag-among sina Sec. Luistro at PNoy, ang daming titser na nagrereklamo at nagpoprotesta.

Pwede bang pakinggan ninyo sila, kasama ang milyong estudyante na maaaring maging biktima ng edukasayon Wa Class ang resulta.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>