Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SSS PUMALAG SA P2K DAGDAG NA PENSYON

$
0
0

PUMALAG ang Social Security System o SSS sa napipintong pagsasabatas sa panukalang P2,000 dagdag sa pensyon ng mga retiradong miyembro kada buwan dahil wala raw pondo ang ahensiya para rito.

Aba, eh, saan napupunta ‘yung mga monthly contribution ng mga empleyado? Sa halagang P2K na dagdag-pensyon, eh, pumapalag na sila, samantalang ang mga sweldo at bonus ng mga hayop na opisyal ng SSS na inaabot ng milyon, eh, hindi pumalag ang mga miyembro.

‘Yan ang hirap sa ating mga ahensiya, kapag pabor sa kanila hanggang tainga ang ngiti nila at tahimik lang sila pero kapag pabor sa taumbayan ay kung ano-ano ang kanilang ginagawa huwag lang matuloy ang kung anomang isasabatas.

Matatandaan na ang panukalang batas na ito ay lumusot na sa Kamara ngunit kailangan pa itong lumusot sa Senado at mapirmahan ng Pangulo.

Hindi pa man tuluyang nagiging batas ay pumapalag na rito ang SSS at sinasabing hindi raw nila ito kayang pondohan dahil aabutin daw ng P49-bilyon ang karagdagang pensyon ng mga retirado.

Paano ba ‘yan, mga pensyonado, huwag muna kayong umasa dahil sa pag-alma ng SSS ay mukhang mapupurnada pa yata ‘yung panukalang batas ni Congressman Neri Colminares.

Tsk tsk tsk, bakit kaya hindi gayahin ng SSS ang GSIS na lahat ng nagpepensyon ng below P5K ay inakyat na sa P5,000.

Tanong ng maraming miyembro ng SSS, saan daw ba napunta ang mga ini-invest nila na pera ng mga miyembro? Sino-sino raw ba ang mga nakinabang nito, mga opisyal ba ng SSS o mga miyembro?

Medyo mahirap-hirap yata ‘yang katanungan na ‘yan, puro haka-haka lang ang mga kasagutan ng mga miyembro at ang tanging nakaaalam ng sagot diyan ay ang mga opisyal ng SSS.

Kaya kayong mga tumatanggap ng pensyon sa SSS, eh, huwag muna kayong umasa, lalo na’t sa Kongreso pa lang ito pumasa dahil marami pa ang mangyayari.

Pwede rin itong gamitin sa kampanya ng mga nasa administrasyon. Kumbaga, eh, panghatak sa mga pensyonado.

Sinasabing ‘yung mga nag-file ng kanilang retirement ng buwan ng Agusto noong nakaraang taon hanggang ngayon ay for review kuno.

Bakit ilang tao ba ang dapat mag-review sa isang maliit na halaga at kung bakit naaapektuhan ang monthly pension samantalang kapag approved na, eh, ‘di idagdag na lang hindi ‘yung ihihinto pa ang pensyon.

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09353110472 at 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>