NOONG 2007 elections ay nagkaroon ng dayaan na isinagawa umano ng kampo ni dating Pangulong GMA.
Isa si dating Sen. Migz Zubiri sa nakinabang umano sa nasabing pangyayari kaya apat na taong hindi nakaupo si Sen. Koko Pimentel. Nang lumutang ang mga testigo ay hindi nagpatumpi-tumpik si Migz, agad siyang nag-resign bilang Senador kaya nakaupo si Koko.
Pero hanggang ngayon ay iniinda pa rin ni Koko ang dayaan, kaya pati sa campaign materials at sa kanyang kampanya ay mapaghahalata ang nananatiling sakit sa kanyang dibdib!
Ilang buwan din sa pagiging senador ay nagkahiwalay si Koko at ang kanyang misis.
Pero mukhang hindi ito gaanong ininda ni Pimentel. Pakiramdam ko nga, parekoy, mas nakapag move-on na si Koko sa kanilang hiwalayan blues kesa sa dayaan blues!
Pero habang namamaos si Koko sa kasisigaw kontra daya ay nangangampanya naman si Migz Zubiri na magmahalan at dapat ay buo ang pamilya!
He, he, he, sapul si Koko! Paano mo nga naman poprotektahan ang pamilyang Filipino bilang senador kung mismong ikaw ay hiwalay sa asawa? Hak, hak, hak!
Ang siste, parekoy, nang muling magharap sina Migz at Koko ay sumambulat ang katotohanan na pinsan pala ni Migz ‘yung beauty queen na dating asawa ni Koko.
At inamin pala kay Migz nitong kanyang pinsan na ang tunay na dahilan kaya niya hiniwalayan si Koko ay dahil sinasaktan siya nito!
In-short, “battered wife” ang misis ni Koko Pimentel! Agad namang sinagot ni Koko na “paano mangyari ‘yan gayung kasama namin sa bahay ang kanyang ina?”
Opps, sandali lang po, Sen. Koko, ang hinihintay naming kasagutan ay itanggi mo na hindi mo sinaktan ang dati mong asawa!
Itanggi mo na hindi ka nananakit ng asawa! Itanggi mo na hindi “battered wife” ang iyong asawa!
Gaya ng pagpapabulaan mismo ni misis kamakalawa.
Tandaan natin, parekoy, sa kasal ay binabanggit ni mister na mamahalin niya si misis habang sila ay nabubuhay!
At maliban na napagkasunduan ng mag-asawa na ang kanilang lambingan ay dadaanin nila sa bugbugan ay naniniwala ako, parekoy, na ang pambubugbog ng asawa ay pandaraya sa inyong sumpaan sa harap ng altar!
At ito ang pinakamatinding pandaraya dahil nagmaliw ka sa sumpaan na inyong ginawa habang ang mga kamay ay nakapatong sa Bibliya!
