Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAPABAYAAN BA O KASUWAPANGAN SA PERA?

$
0
0

KAPABAYAAN ba o kasuwapangan sa pera ang dahilan kaya tumaob ang ferry na M/B Kim Nirvana sa karagatan ng Ormoc City noong Huwebes?

Kung pagbabatayan umano ang naulat na 61 ang nasawi at 140 ang nailigtas, ayon sa Coast Guard sa Eastern Visayas, lumalabas na 199 ang sakay nito.

Ang Kim Nirvana ay may kapasidad na magsakay ng 194 katao, kabilang na ang 178 pasahero at 16 na crew.

Ayon kay Councilor Godiardo Ebcas ng Ormoc, nakita ng ilang nakaligtas ang 150 sako ng semento sa cargo area ng barko bago ito lumubog.

Tinukoy niya na bawat sako ng bigas, semento o fertilizer ay 50 kilo ang bigat kaya ang 150 sako ay katumbas ng 7,500 karagdagang kilo sa barko, puwera pa sa pasahero nito.

Gayunman, ayaw magbigay ang Philippine Coast Guard ng dahilan sa pagkakataob ng barko habang umaandar ang malalimang imbestigasyon.

Kinasuhan at ikinulong ang may-ari ng barkong si Joge Bong Zarco at ang kapitan nitong si Warren Oliviero. May kaso rin ang 17 miyembro ng crew.

Ayon sa hepe ng regional police na si C/Supt. Asher Dolina, sa paunang imbestigasyon at panayam sa mga nakaligtas ay lumabas na kapabayaan ng kapitan ang dahilan ng trahedya.

Bukod sa kapabayaan, ano ang pwedeng maging dahilan para patuloy na magpasakay ng pasahero at magkarga ng mga kargamento ang isang barko kahit labis sa kapasidad nito? Ang kikitaing pera kaya?

Parusahan ang mapatutunayang nagkasala upang madala at matuto ang iba na maging responsable sa tuwing maglalayag.

Hindi matatapatan ng pera ang mga buhay na nawala nang dahil sa katangahan o kasuwapangan ng mga opisyal ng barko.

o0o
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>