Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LP, NGARAG SA ERAP NA POE

$
0
0

SA pag-upo ni Manila Mayor Joseph Estrada sa pangunahing lungsod ng Pilipinas, hindi maikakailang umayos ang takbo nito pagdating sa usaping-pangkapayapaan at kaayusan.

Maging sa pananalapi, umangat ang kalagayan ng lungsod. Dati kasi, baon sa utang ang Maynila pero sa pagpupunyagi ni Mayor Erap ay umangat at nakabayad sa ilang malalaking kumpanyang nagserbisyo sa lungsod.

Kaya naman, maraming opisyal ng Manila City Hall, barangay chairman at residente ang humihiling na ipagpatuloy ni Erap ang pagseserbisyo sa lungsod upang makabawi ito mula sa pagkakasadlak, lalo na ng mga Manileño.

Lamang, marami namangmiyembro ng Armed Forces of the Philippines at mga kaanak nila ang nais na tumakbo sa mataas na puwesto itong si Mayor Estrada na dati na rin namang naging Pangulo ng bansa.

Kasi naman, si Pang. Erap lang ang hindi umatras sa Moro Islamic Liberation Front na matagal ding nanggago sa pamahalaan at walang humpay na sumusuway sa “ceasefire agreement.” Walang humpay ang ginagawang pagpaslang ng mga ito sa mga sundalo gayung ipinatutupad ng gobyerno ang usaping-pangkapayapaan.

Maraming lumalabas sa social media na magkakaroon ng tambalang Erap-Bongbong sa 2016 at dito medyo kabado ang ilang sumusuporta sa Liberal Party dahil batid nilang hindi umaangat ang rating ng survey ng kanilang minamanok.

Pero sa pagputok ng balitang “Erap na Poe sa 2016,” aba’y biglang nangarag at nataranta ang mga lider at supporter ng LP. Kasi naman, hindi maitatangging malapit talaga si Senador Poe kay Estrada sapagkat kaibingang matalik ito ng kanyang namayapang ama.

Marami ang naniniwalang si malaki ang kaibahan ni Sen. Poe kay Pang. Benigno  Aquino III na hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Ayaw tanggapin ng Lakas-Christian-Muslim Democrats ni dating ex-Gloria Macapagal-Arroyo ang noo’y nagpaplanong tumakbong senador na si Noynoy na anak ni ex-Pres. Corazon Aquino.

Dahil sa paggalang kay Cory, kinupkop at inaruga sa Genuine Opposition ni ex-Pres. Erap si Noynoy at hindi nagawang tumangi maging ng noo’y gobernador ng Ilocos Norte na si Bongbong Marcos na dalhin ang bandera ni Aquino.

Sasala ang sandok sa palayok subalit hindi ang huli na ang bagitong mambabatas ay titingin sa pinagsamahan ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr. at Mayor Estrada. At baka sa takot at pagkangarag ng LP sa “Erap na Poe” ay biglang mag-isip ng hindi magandang paraan ang magagaling na “think tank” ng tatakbong Pangulo sa ilalim ng Liberal Party.

Sa bandang huli, baka ang maisip na lang ng kanilang kampo ay magsampa ng kaso sa lahat ng kakalaban sa kanilang minamanok bilang Pangulo. Tsk tsk tsk. Kaawa-awa naman sila. Patahimikin kaya sila ng kanilang konsensiya? PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>