Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EBDANE, LUMABAG SA BATAS

$
0
0

MABUTI na lang hindi tatakbong Pangulo sa 2016 si Zambales Governor Hermogenes Ebdane, Jr.

Dahil kung nagkataon ay matagal nang binusisi ng isang sub-committee ng Blue-Ribbon Committee ng Senado ang kayamanan niya para malaman kung produkto ito ng pandarambong noong hepe pa siya ng Philippine National Police at kalihim ng Department of Public Works and Highway tulad ng sinapit ng mag-amang Jejomar at Junjun Binay.

Pero, kahit hindi tatakbong Pangulo ay hindi nakalusot si Ebdane sa Office of the Ombudsman.

Idineklara ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na tahasang nilabag ni Ebdane ang “Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Revised Penal Code ukol sa Usurpation of Official Functions.”

Nilabag naman nina Romelino Gojo ng Provincial Mining Regulatory Board, Weng Chen, Camilo Esico, at tatlo pa ng Geoking Asia Mining Corporation (Geoking) ang “Theft of Minerals ng Section 103 ng Republic Act No. 7942 (Philippine Mining Act of 1995).”

Ano bang krimen ang nagawa ni Gob. Ebdane? Binigyan ni Gob ng permit ang Geoking na magmina sa pinagmiminahan ng Consolidated Mines, Inc.

Ayon sa batas, walang kapangyarihan o hindi awtorisado si Ebdane na magbigay ng permit kahit siya pa ang gobernandor ng lalawigan.

Ito’y malinaw na pag-abuso sa kapangyarihan bilang gobernador.

Ano naman ang krimeng nagawa ng mga taga-Geoking? Ang pagmimina sa pinagmiminahan ng CMI ay maituturing na pagnanakaw sapagkat ang nasapin lugar ay may eksklusibong/solong karapatan ang nasabing kumpanya.

Ayon sa balita, tumikas daw ang Geoking sa aksion ni Ebdane. Ang minsang banggit ng Geoking sa CMI ay “Kung gusto ninyong magdemanda, idemanda ninyo si Governor Ebdane!”

Kung limang dekada na ang operasyon ng CMI sa Zambales, bakit naman nakapasok ang Geoking?

Naku, mayroon akong naaamoy na hindi maganda rito. Hindi kaya sinuhulan ng napakalaking halaga si Ebdane at dahil sa nakalulula ang laki ay nagbigay ng permiso ang gobernador?

Wala naman pong masamang magtanong, hindi po ba?

Sa ibang lugar, kapag ganito ang nadidiskubre ng mga mamamayan ay natatalo na sa eleksyon ang politiko—lalo na kung walang nagawang kabutihan para sa bayan at mamamayan.

XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>