SA kabila ng puspusan ang ginagawang kampanya ng kapulisan ng Region 4-A laban sa talamak na iligal na pasugalan sa rehiyon ay patuloy naman ang operasyon ng mga video-karera (vk) sa lalawigan ng Rizal.
Hindi man lamang kumilos si Rizal Provincial Director S/Supt. Bernabe Barba sa ipinatutupad na kautusan na ipinapatupad ni Region 4-A Regional Director Gen. Richard Albano.
Sa halip na ipahuli sa mga kapulisan nito ang mga vk operator ay tong-collection ang inaatupag ng collector nitong si SPO4 Rolly Baylon.
Kabilang sa mga vk operator na nakapaglatag na ng kanilang mga makina sa lalawigan ay itong sina Bong Sola sa Antipolo, Junie sa Cainta at isang alyas Rico sa Morong, Teresa at sa bayan ng Tanay.
Bukod kasi sa ginagawang pangongolekta ni SPO4 Baylon sa lalawigan ng Rizal ay nangongolekta rin sa mga vk operator itong isang Maj. Rubio ng R4A R2.
Ewan natin kung bakit muli na namang namayagpag ang mga sugalan na ito ganong kamakailan lamang ay ipinatigil na ito ni Rizal Gov. Rebecca Ynarez bilang pagbibigay-daan sa “Rizal Day.”
Ano kaya at sino kaya ang nasa likod ng pangongotong nina SPO4 Baylon at Maj. Rubio?
Kung sino at ano, tanging sina Gob at pd at rd ang nakaaalam niyan!
PAIHI NI KAP PADER KINA MAYOR AT HEPE
Hindi pa rin kumikilos sina Hermosa Mayor Danilo Malana at chief-of-police na si Insp. Christopher Francis Siriban sa patuloy na operasyon ng paihi ni Kap. Blade sa highway ng Bgy. Culis, Hermosa, Bataan.
Nakapanghihinala tuloy na baka may tongpats sina mayor at hepe sa pagnanakaw ng krudo at langis ni Kap. Blade. Ang matindi rito ay kung bakit patuloy ang pag-ooperate ni Kap. Blade ganong minsan na itong nahuli ng NBI pero tuloy pa rin ang operasyon nito.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
