HINDI ipinagbibili ang United Coconut Planters Bank (UCPB), ibalik ninyo ang Coco Levy Funds ng mga magniniyog sa lalawigan ng Quezon.
Nasaan na nga ba ang Coco Levy Funds ng mga magniniyog, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito ibinibigay sa mga ito ang nasabing pondo?
Ang balita ng grupo ay “temporarily-suspended” ng Privitizationand Management Office ang pagsusubasta sa UCPB dahil sa inilabas na temporary restraining order ng Supreme Court sa pagpapatupad ng Executive Orders 179 at 180 noong Linggo.
Mariin na ipinahayag ng grupo ng CLAIM na walang karapatan ang gobyerno na isubasta ang naturang bangko dahil deklarado ng SC na pampublikong pondo ang 72.2% ng share sa UCPB.
Ang desisyon ng SC ang naging batayan ng samahan ng magniniyog kaya nila tinututulan ang paglalabas ng EO 179 at 180 na magsasapribado at magsusubasta ng mga ari-ariang nabili at naipundar mula sa pondo ng mga magniniyog na coco levy.
Ang coco levy funds ay pag-aari ng mga magniniyog kaya anomang ari-arian na nagmula sa pondong ito’y pag-aari ng nasabing grupo.
Kaya iginigiit ng grupo ng CLAIM na ibalik na sa kanila ang Coco Levy Funds!!!!
POLICE CAPTAIN ANG FOUNDER NG MGA VK
Pahapyaw nating silipin ang talamak na operasyon ng video-karera (vk) ng isang pulis na nagngangalang Capt. Sicat sa Manila Police District.
Ang tindi ni kapitan dahil kung sino pa ‘yung dapat na humuli sa mga kailigalan ay siya pa ‘yung nagsisilbing promotor.
Mantakin n’yo, kayang-kayang paikutin ni Capt. Sicat ang station commander ng Presinto 10 na si Supt. Claire Cudal.
Matagal-tagal na ring nakalatag ang mga makina ni kapitan sa buong nasasakupan ng PS10 ng hindi man lamang hinuhuli ng kapulisan ng PS-10.
Halos karamihan sa mga nagugumon sa pagbi-vk ay pawang mga kabataan at mga shabu drug addict.
Ang balita ko’y malaki raw ang timbreng ibinibigay nito kay PO3 Francis Manlutac.
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA