Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GAMBLING COP SA MANILA PASIKAT NANG PASIKAT

$
0
0

NAPAKALAWAK na pala ang iligal na pasugalan ni police Captain Sicat na animo’y mga kabuteng ‘bato’ na isa-isang tumutubo sa mga pader o kaya’y kahoy sa Maynila.

Ang mga iligal na pasugalan ni kapitan ay umusbong mula sa paapat-apat lang sa mga presinto gaya ng PS6 (Sta. Ana) at PS10 (Pandacan) ng Manila Police District (MPD) hanggang sa lumago ito nang lumago at umabot na sa PS5, PS1, PS2 at PS3.

Nagsimulang pasukin ni kapitan ang pagmamakina o pagbi-vk sa Maynila sa pa-umbrella o papayong-payong lang ng apat o limang pirasong vk sa mga big-time operator.

Pero noong lumakas ang pagbi-vk nito ay nagsarili na ito ng laban hanggang sa pasukin na rin ni Capt. Sicat ang bookies ng karera (illegal horse racing) nang mapasakanya ang lahat ng personnel at cabo ni Apeng Sy.

Ang balita ko nga (hindi ko lang alam kung totoo ito) may mga kasabwat na bayarang kabaro sa National Capital Regional Police Office si Capt. Sicat na nagbibigay sa kanya ng “impo” kung may raid ang mga taga-Bicutan.

Kaya bago pa man makapag-raid ang mga operatiba ay alarmado na ang mga sasalakayin.

In short, ‘yung mga raiding team ng Bicutan ay wala nang maabutan kundi nganga!

Ang galing ni Capt. Sicat, ‘di po ba? He…he..he..he!

UMAARIBA NA ANG PASAY BPLO CHIEF

Malayo pa man ang 2016 election ay nagsisimula nang mangampanya sa pagka-bise alkalde raw ng Pasay City si Business Permit and Licensing Office chief Noel del Rosario.

Diyos ko pong mahabagin. He..he.

Hanep, madamu si Mr. BPLO chief Del Rosario.

Ang tanong ay kung saan kaya kukurakutin, este, kukunin ni Mr. Del Rosario ang perang ipanggagastos nito sa election?

Ingat, ingat kayo.

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>