Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ISULONG ANG PAGHADLANG SA KRIMEN O CRIME PREVENTION

$
0
0

YAMAN din lamang na may bago nang hepe ang Philippine National Police (PNP), subukan natin itong si PNP chief Gen. Ricardo Marquez.

Napabilib tayo sa napakagandang speech ni Gen. Marquez dahil hindi biro-biro ang mga sinabi ni heneral sa kanyang inaugural speech na ang pangunahing isyu raw na dapat harapin ng kapulisan ay ang crime prevention o paghadlang sa krimen. Tumpak, ‘di po ba?

Aba kung masusugpo ng kapulisan ang lumalalang krimen sa ating bansa ay wala nang pinakamagaling na na-appoint na PNP chief sa bansa kundi si Gen. Marquez lang.

Biruin ninyo, ilan na ang mga naging PNP chief natin simula pa noon pero walang sinoman sa mga ito ang nakapigil sa lumalalang krimen.

Puro ang mga naging PNP chief walang sinasabi kundi reporma sa hanay ng PNP.

May nabago nga ba?

Tingnan at antabayanan ang liderato ni Dir. Marquez.

TULISANG PULIS NG MPD-PS7, SIBAKIN

Unang assignment na ibabato natin kay Gen. Marquez ay ang mga pulis na ‘scalawag’ gaya ng pulis ng PS-7 ng Manila Police District na si PO1 Awikan na PO1 pa lamang ay ubod na nang gago!

Ang modus-operandi ng gagong pulis na ito ay lumalabas ‘pag kasama siya sa mga checkpoint.

Ibang klaseng mag-checkpoint ang pulis na ito dahil namimili ang kumag ng mga nakamotor.

Kapag sumita ang kumag na ito ay kung ano-ano ang hinahanap niya, kahit kumpleto-rekado ang mga dokumento ay hinahanapan niya ng ‘butas’ kung paano niya makukuwartahan ang isa sa mga sinisita nito.

Walang masama at hindi tayo tutol sa ginagawang mga checkpoint sa kalsada pero kung ang pagtse-checkpoint naman ay gaya ng style ni PO1 Awikan na pangingikil, maawa naman kayo, Kuya Pulis at Ate Pulis!
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>