Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KID PEÑA IAAHON ANG MAKATI

$
0
0

PIPILITING baguhin ni Makati Acting Mayor Romulo “Kid” Peña ang kanyang lungsod na pinamamahalaan na minsan ng tinagurian o binansagan bilang kapitolyo ng korapsyon sa bansa.

Ito ang tiyak na gagawin ni Peña, kasabay ang pagsasabing maraming dapat baguhin sa pamamahala ng lungsod, lalo na sa usapin ng bidding at paglalagay ng mga presyo sa mga binibiling supplies lalo’t higit sa mga pagawaing bayan, na naging tampulan ng iskandalo na pumutok hindi lamang sa Senado kundi sa buong bansa na siyang sumira sa pangalan ng mga Binay sa publiko.

Tama rin ang mga paunang hakbang ni Peña na kung saan hindi niya ginamit ang magarbong opisina ni suspended Mayor Junjun Binay upang maipakita sa mga taga-Makati at buong bansa na isa siyang simpleng lider na may pagpapahalaga at puso sa tao.

Kahit pangalawang punong lungsod ng Makati ay nagtiis si Peña sa kanyang maliit na opisina noong siya ay konsehal pa lamang dahil hindi sa kanya ibinigay ang dating tanggapan ng pangalawang punong lungsod.

May plano rin si Peña na buksan ang bidding sa publiko upang maipakita sa lahat ng mamamayan ng lungsod at maging ng bansa na ang pera ng bayan ay dapat pinangangalagaan.

Transparency ang sagot ni Peña sa mga nangyaring kuwestiyunableng transaksyon sa Makati at dito makikita ng publiko ang tamang proseso ng bidding kaakibat ang tamang presyo na hindi kailanman magiging tampulan ng isyu ng korapsyon.

Matindi rin ang babala ng acting mayor sa mga empleyadong magiging loyal sa mga Binay at hindi sa mamamayan ng Makati dahil malinaw ang pahayag ng alkalde na gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan upang patinuin at maiayos ang pagpapalakad sa lungsod.

Cake ang unang isinampol ni Peña at isa ang cake na ito sa naging isyu sa mga Binay dahil bukod daw sa sila ang umano’y supplier nito ay gumagastos daw ang siyudad ng napakalaki rito dahil umaabot daw ng P300,000 ang binibiling cake ng lungsod araw-araw. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>