Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BRING BACK INCINERATORS

$
0
0

NAPAPANAHON na rebisahin ng mga mambabatas sa Kamara at Senado ang batas na Clean Air Act. Maganda ang layunin ng batas para alagaan ang kapaligiran at kalikasan pero sarado ang isip sa kabuuan.

Matindi ang pagbabawal ng Clean Air Act of 1999 o RA 8749 sa paggamit ng panunog ng basura o INCINERATOR. May batayan naman sila noon dahil ang ginagamit ng mga ospital na incinerator ay katulad lang ng ordinaryong sunugan, nilagyan ng tubo paitaas na labasan ng usok.

I agreed with then Senator Heherson Alvarez, main ponente of the law, but suggested to him to during our radio interviews not to ban the usage of incinerator. We need the big help of the INCINERATOR badly to augment the collection of mass garbage. Only, the INCINERATOR must be made under high technology like what they did in Japan.

Binanggit natin ang Japan dahil matagal tayong nanirahan doon. Nakita ko kung gaano kalaki ang tulong ng siyentipiko na incinerator sa kanila, hindi lang kalinisan ng paligid at komunidad kundi ang bunga ng basurang natipon, sinunog at prinoseso nila.

Totoo nga na may pera sa basura ngunit hindi pera para sa mangangalakal kundi sa kabuuan ng Sistema. Kapag ang gagamitin na incinerator ay yari sa maayos at siyentipikong uri, tiyak yayaman tayo.

Sa Japan, ang basura nila ay ginagamit bilang organikong pataba sa lahat ng sakahan. Panggatong ng mga tahanan naman ang iba dahil may natural gas o liquefied petro gas (LPG) na siyang direktang inililinya sa mga bahay at gusali roon.

Ang we can do the same here. Let’s bring back the use of incinerators. Sa rami ng basura araw-araw na “dampot-pukol-salo” ng mga lokal at pambansang ahensiya na namamahala sa kalinisan ng paligid at komunidad, magagawa rin natin ang mabisang gamit ng incinerator sa Japan.

Kung hindi kayang pondohan ng pamahalaan, puwede itong makipag-partner sa mga pribadong kapitalista. Marami sila at tiyak na gusto rin nilang makatulong sa pambansang problema sa basura.

Kailangan nga lang ang pagtutok at mabilis na aksyon ng Kongreso. Higit sa ngayon, mahalaga na malutas ang patuloy na paglala ng problema sa basura lalo na’t marami ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura.

Sa siyentipikong incinerator, makatitiyak tayo na wala ang kinatatakutang lason mula sa usok. Bagkus, magbibigay ito ng tiyak na paglutas sa bulto ng basura, magiging malinis ang paligid at magbibigay pa ng magandang hanapbuhay sa mamamayan at pamahalaan.

INCINERATORS, NOW! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Best Papa jack Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>