Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LAME DUCK O INUTIL

$
0
0

HALATANG humina na ang taglay na impluwensiya ni Pangulong Noynoy Aquino bilang lider hindi lang ng bansa kundi maging ng pinamumunuan niyang Liberal Party.

Dati kasi ay kayang-kaya niyang pasunurin ang lahat ng tao sa bawat nanaisin niya tulad halimbawa ng ginawa niyang pagpapakulong kay dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo at kina Senador Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla at maging ang pagpapatalsik kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona, kahit wala namang sapat at klarong mga dahilan.

Pero kapansin-pansin na sa panahong ito na ilang buwan na lang ang hinihintay bago siya bumaba sa puwesto ay halatang wala nang angas ang salita niya.

Halimbawa nito ang patuloy na pakiusap niya kay Sen. Grace Poe na tumakbo na lang bilang Bise Presidente ni Interior Sec. Mar Roxas sa ilalim ng bandila ng LP.

Pero hindi niya makumbinsi si Grace na sumali sa LP at sa halip ay plano nitong tumakbo bilang independent kasama ang kaibigang si Sen. Chiz Escudero.

Isa pang halimbawa na walang bisa ang salita ni Noynoy ang panukala niyang pagpasa bilang batas ng Bangsamor Basic Law na magbibigay-daan para lumikha ng bagong political entity na gusto niyang ipalit sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Sa larangan naman ng pamamahala ay sablay rin siya sapagkat walang humpay ang katiwalian at nakawan sa gobyerno. Garapalan na ang mga iskam at kalokohan sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board at maging sa mother agency nila na Department of Transportation and Communication pero dedma lang siya at walang ginagawang aksyon.

Maging sa iba pang ahensiya ng gobyerno tulad ng Bureau of Immigration at National Bilibid Prisons, Bureau of Customs at iba pa ay garapalan na ang kalokohan pero wala pa rin siyang magawa.

May breakdown na talaga sa governance dahil wala na siyang asim at wala na ring naniniwala sa kanya.

Nasa panic mode na rin kasi si Noynoy dahil alam niyang isang rekwang kaso ng katiwalian ang isasampal sa kanya ng mga militanteng tulad nina Rep. Neric Colmenares at Renato Reyes pagbaba niya sa puwesto.

Kaya naman kanya-kanya ng kayod ang mga tauhan niya para kumita para naman may panggastos pa rin sila kahit masibak na sila habang si Noynoy naman ay solong haharapin ang problemang dulot ng pang-uurot sa kanya ng mga dating kaibigan niya para maging Pangulo. OPENLINE/BOBBY RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>