Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FEARLESS FORECAST KAY ALI ATIENZA

$
0
0

lily's-files-lily-reyesTIYAK daw na pasok sa City Council ng lungsod ng Maynila itong si Brgy. Chairman Ali Atienza dahil sa inaasahang malaking bilang ng mga boto na kanyang makukuha sa darating na May  election base na rin sa  fearless forecast ng  mga botong nakuha nito noong tumakbo ito bilang Mayor ng Maynila noong halalang 2007 kung saan ay nakakuha ito ng  51,000 votes.

Naniniwala ang mga taga-5th District ng Maynila na “in the bag” na itong si Ali bilang konsehal ng Maynila dahil kung ang pagbabatayan ay ang  40,000  vote lang na kailangan para sa mga kandidato ngayong eleksyon ay mani na lang ito kay Ali na nakakuha ng 51,000 sa 5th District nang tumakbo siyang mayor noong 2007.

Sobra-sobra na sa magiging hatian ng mga boto.

Bukod pa rito ay tinutulungan ngayon nitong si Ali sa sports ng mga kabataang bagong rehistro, maging ang mga kababaihan ng Maynila.

Nagkakaisa rin ang mga Barangay Chairman, Manila Youth Club, grupo ng mga negosyante at NGO sa kanilang pagpili at pagsuporta sa batang Atienza, at sa kasalukuyan ay may 10,000 family member ang KABAKA na official party ni Ali na nangakong susuporta rito.

Dahil sa figure na ito, nagkukumahog na ang mga kalabang kandidato ni Ali sa 5th District upang siya ay sirain at ilaglag dahil alam nilang liyamadong-liyamado sa kanila si Ali.

Bagama’t wala sa isipan na pasukin ang City Hall dahil sa kanyang pagko-concentrate sa larangan ng sports at bilang Barangay Chairman, ay puspusan ang naging paghikayat at pagtulak sa kanya ng mga NGO at taga-5th District na nagnanais na magkaroon ng boses sa City Council para sa kanilang mga pangangailangan at kapakanan.

Nakita raw nila kay Ali ang sinseridad ng pagtulong sa mamamayan at pakikisalamuha nang walang halong kaplastikan. Tanging si Ali lang ang buo ang loob, matatag, may angking talino at, higit sa lahat, may kakayahan at nagawa na sa lungsod ng Maynila na naging kapaki-pakinabang sa mga kabataan at mamamayan.

Si Ali ay graduate ng Bachelor of Science and Physics sa De La Salle University kung saan ay   nag-master ng Government Management, at kasalukuyang Professor in Physics, bukod pa ang pagiging Programmer at Developer .

Ang ipinakitang pamumuno ni Ali sa kanyang mga nasasakupan ay isang patunay ito na magiging magaling na lider na tulad ng kanyang amang  si Lito Atienza. Health conscious din si Ali dahil may pagpapahalaga ito sa kalikasan at buhay na kaloob ng Maykapal.

Sa lahat ng pinupuntahang caucus at pakikisalamuha ni Ali sa mga taga 5th District, ay mainit na pagtanggap at pangako ng suporta ang ipinangako sa kanya ng mga tao ay naniniwala silang si Ali  ang magiging boses at tagapagtaguyod nila sa konseho ‘pag nanalo ito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>