Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PNOY, TAKOT NA TAKOT MAKULONG

$
0
0

IBINUNYAG ni Sen. Grace Poe na nag-usap sila uli ni Pangulong Aquino. At silang dalawa lang ang nag-usap, hindi na kasama sina Chiz Escudero at Mar Roxas.

Maraming political analyst ang naniniwala na pinipilit ni PNoy na mapagsama sina Roxas at Poe sa iisang tiket, kasama siyempre ang bespren ni Grace na si Chiz.

Ang nais ni PNoy ay mabuo ang tandem nina Mar bilang Presidente at Grace bilang bise. Naniniwala si PNoy na walang tatalo sa tambalan ng dalawa at siguradong ito ang bibigo sa pangarap ni Vice-President Jejomar Binay na maging Pangulo.

Hanggang ngayon kasi, kahit patuloy ang banat sa kanya ng mga kalaban ay nangunguna pa rin si Binay sa mga survey. Kung si Binay ang magwawagi, yari si PNoy. Tiyak na reresbak ang Pangalawang Pangulo sa paghalungkat sa mga kabulastugan ng Pangulo para makulong ito.

Ang sabi ni Grace Poe sa media, naramdaman niya ang pinagdaraanang hirap ni PNoy. Ito kaya ang takot ni PNoy na makulong kapag wala na siya sa poder?

Hindi kasi makumbinse ni PNoy si Grace na magbise kay Mar. Ang takot ni Aquino ay baka hindi magwagi ang kanyang manok na si Mar at magkandahetot-hetot ang kanyang buhay.

“The President and I talked for about five hours. I could sense the very difficult position PNoy is in right now. I understand and sympathize with his predicament and situation. I consider him a true and sincere friend and he has my utmost respect. He reiterated his desire for all of us to continue working together and that he believes that, like him, we can and will do what is best for our country. In the end, we both agreed to continue, in whatever capacity, striving and working for our countrymen and for the betterment of our children’s future.”

Sa mga kuro-kuro, ‘di na pala dapat mag-alala si PNoy kung maglaban sina Mar at Grace at isa sa kanilang ang manalo. Para baga kasing nangako na si Grace kay PNoy na hindi niya siya kakasuhan at ipakukulong kung magiging pangulo ng bansa.

Wala naman talagang naniniwala na gusto ni PNoy na maipagpatuloy ang kanyang “Daang Matuwid” dahil ito’y matagal nang baluktot kaya nais niyang mabuo ang Mar-Poe tandem. Ang gusto ni Aquino ay maisalba siya ni Poe o si Roxas sa kanyang posibleng maging mga kaso sa nalalapit na panahon.

Ang tunay na iniisip ni Aquino ay hindi ang kapakanan ng bayan kundi ang kanyang sarili na huwag malagay sa karsel. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>