Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EBDANE, MAY ARI-ARIAN SA PANGASINAN?

$
0
0

HINDI lang pala ang naging hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Alan Madrid Purisima ang may tagong yaman sa labas ng kanyang sariling lalawigan kundi ang dati ring pinuno ng PNP na si Hermogenes Ebdane, Jr.

Matagal nang usap-usapan sa Mangatarem, Pangasinan na malaki ang pag-aaring lupa umano ni Ebdane sa Bgy. Torre 1st at Torre 2nd.

Ang ari-arian na may nakatayong negosyo ay malapit sa tulay na malapit sa sementeryo.

Nagulat nga ako sa impormasyong ito sapagkat hindi naman taga-Pangasinan si Ebdane.

Ang naglaro sa isip ko ay ‘kung totoo ang matagal nang balita na may ari-arian si Ebdane sa Mangatarem, ano naman kaya ang dahilan at naisipan ni Ebdane na bumili ng lupa at patayuan ito ng negosyo?’

Ano nga ba ang pakialam ko kung gusto niya?

E, si Purisima nga na taga-Nueva Ecija ay ibinisto ng media na nakabili ng napakalawak na lupain sa Batangas, ang iba pa kaya.

Si Purisima ay nasibak na sa Philippine National Police (PNP) bago pa man siya magretiro sa Nobyembre dahil sa maraming kasong kinahaharap sa Office of the Ombudsman.

Idiniin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na bukod sa pagkakasibak sa PNP, bawal nang magkaroon ng posisyon si Purisima sa anomang ahensiya ng pamahalaan.

Si Ebdane ay gobernador ng Zambales hanggang ngayon mula nang magbitiw siya sa pagiging kalihim ng Department of Public Works and Highway (DPWH) noong 2010. Ang DPWH ay kilala sa pagiging isa sa pinaka-corrupt na kagawaran sa bansa. Ang DPWH ang sinasabi ko, hindi si Hermogenes Ebdane ang pinaka-corrupt! Kayo talaga, malisyoso!

Si Gob. Ebdane ay tinukoy kamakailan ni Ombudsman Morales na lumabag sa mga batas na “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” at “Revised Penal Code under the Usurpation of Official Functions” dahil sa pagbibigay ng permiso sa Geoking Asia Mining Corporation na magmina sa lugar na ang mayroong karapatang ligal sa eksklusibong pagmimina ay ang Consolidated Mines, Inc. (CMI).

Ayon kay Morales, walang karapatan o kapangyarihang ligal si Ebdane na maglabas ng permit pabor sa Geoking.

Ano kaya ang nag-udyok at nakakumbinsi kay Ebdane upang maglabas ng permit pabor sa Geoking at kontra sa CMI? Napakalaking pera kaya ang nag-udyok at nakakumbinsi?

XXX
Problema at reaksyon n’yo, itawag sa: 09985650271, o mag-email sa: akosibadilla@yahoo.com BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>