Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

THE BROTHER AND THE BRAT SA INC

$
0
0

PAMANA, ‘yan ang pinagmulan ng lahat ng gulo na nagaganap sa pamunuan ng simbahan ng Iglesia ni Cristo at pinaniniwalaang nakaapekto na rin sa iba.

Simula sa pamunuan ni Ka Felix Manalo na founder o tagapagtatag ay naging matagumpay ang INC at ipinamana naman ito sa kanyang anak na si Ka Erano “Erdy” Manalo ang matibay na pamunuan at sama-han ng Iglesia.

KA ERDY

Sa pamunuan ni Ka Erdy bilang Executive Minister ay naging deputy nito ang anak na si Ka Eduardo samantalang ang anak naman na si Ka Angel ay naging taga-pamahala ng lights and sounds system ng buong Iglesia ni Cristo na ang pakiwari naman ng iba sa loob ng INC ay may kinalaman sa security ang ginagalawan nito.

KA EDUARDO

Dumating ang taong 2009 kung saan yumao si Ka Erdy, “hindi man kumpirmahin”, pamana ang puwestong naiwan ni Ka Erdy na pinagtibay ng boto ng sanggunian na nagsasabing ang susunod na pangkalahatang pinuno ay si Ka Eduardo at ito rin naman ang itinatakda ng doktrina ng Iglesia ni Cristo.

SAKRIPISYO ‘DI KAYAMANAN

Ang pamanang sinasabi ng ULTIMATUM dito ay hindi ang pamanang katulad ng pamanang tinatanggap ng mga anak mayaman na puro karangyaan ang iniiwan sa kanila ng kanilang mga magulang.

Ito ang pamanang tungkulin at sakripisyo na dapat ipagpatuloy ni Ka Eduardo na aminin man o hindi ay siguradong hirap at tiyaga ang pagdaraanan ni Ka Eduardo dahil sa pagkatao nitong kilalang disciplinarian.

ABUSO SA SIMBAHAN

Sa kanyang pagpuwesto ay pinag-aralan nito ang bawat galaw na nagaganap sa loob at labas ng simbahan.

Masakit mang aminin, isa sa naging pamana na tinanggap ni Ka Eduardo ay ang pang-aabuso at pagmamalabis ng ilang mataas na opisyal ng simbahan.

Ilang kilalang mataas na ministro ang tinamaan sa balasahan dahil sa ma-tinding korapsyon na isa sa naging problema ng INC sa pamunuan ng yumaong Ka Erdy.

Epektibo namang sinolusyonan o nilutas ang mga ito ni Ka Eduardo sa kanyang matibay na pamunuan nang tahimik lamang.

INTERNAL NA PROBLEMA

Tulad ng Simbahang Katolika, sangkatutak na alingasngas din ang nangyayari.

Ngunit tahimik itong ginagawan ng solusyon ng pamunuan na kung saan hindi na ipinangangalandakan pa sa publiko na may bahong nangyayari sa loob ng bakuran ng mahal nilang simbahan.

Gayundin ang nangyayari sa kasalukuyan sa INC kung saan sa rami ng tinamaan ay tinangka pa ng mga ito na magka-isa upang sirain ang namumuno sa INC.

TOTOO BA, KA ANGEL?

May kinalaman ba ang pag-anib ni Ka Angel sa mga natiwalag sa kanyang hangaring maging pinuno ng Finance ng INC na hindi pinayagan ni Ka Eduardo?

Ang dahilan?

Ayon kay Ka Eduardo, pag-aari raw ng buong kapatiran ang INC at hindi lamang ng pamilyang Manalo.

Base sa bulong ng ating uzi, sa kasalukuyan ay si Ka Angel din umano ang may hawak sa media arm ng INC gaya ng NET25, Eagle Broadcasting Corporation at mga diyaryo nito, ooops at siyempre kasama na ang social network gaya ng Facebook, Twitter, atbp.

FACEBOOK

Ano kaya ang kinalaman ni Ka Angel?

Dahil nagsimula ang pagyurak sa magandang imahe ng INC sa Facebook kung saan ilang anomalya ang itinuturo kay Ka Eduardo.

Isa na rito ay ang “paglustay” umano ng pondo ng INC sa pagbili ng lupa at pagpapatayo sa Ciudad Victoria kung saan ang nagsisilbing centerpiece ay ang dambuhalang ARENA.

Hep! Hep! Hep!

Paglustay bang maituturing ang maitala ka sa kasaysayan ng mundo na may pinakamalaking ARENA?

Hayzzz…

Napakasakit sa isang taong may napakagandang hangarin ang maparatangan nang ganito kasama.

PATI SI KA TENNY

Pati si Ka Tenny na ina nina Ka Eduardo at Angel ay nanawagan na at sinasabing may mga dinukot na ministro at kasalukuyan pa ring nawawala.

Naging kapansin-pansin na tanging ang Ka Angel ang makikita sa Youtube na nananawagan pero kay Ka Tenny ay boses lamang ang maririnig?

Totoo bang nasa Texas sa United States of America si Ka Tenny kaya boses lamang ang inilabas n’yo?

Totoo bang walang kinalaman si Ka Tenny sa nangyayari rito kaya pilit n’yong itinatago?

Nagtatanong lamang po tayo!

USAPING PAMPAMILYA

Kapakanan ng ilang milyong kapatid sa Iglesia ang kailangan mong isakripisyo para lang mapagbigyan ang Brat na kapatid mo?

Base sa kaalaman ng ULTIMATUM, hindi po ‘yan si Ka Eduardo!

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>