Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAKIT KAILANGANG ISAMA SI MAYOR GATCHALIAN SA KASO?

$
0
0

KADUDA-DUDA ang naging rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) na isama si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa demanda kaugnay sa nangyaring trahedya sa Kentex Manufacturing, Inc. na ikinamatay ng mahigit sa 70 katao at ikinasugat ng iba pa.

Bukod kay Gatchalian, kasama rin sa idedemanda ang hepe ng Bureau of Fire Protection ng Valenzuela City, mga may-ari ng naturang pabrika ng tsinelas at iba pang sinasabing may kasalanan sa naganap na trahedya.

Ang nakapagtataka rito, bakit kailangang isama ang alkalde sa demanda samantalang wala naman itong kasalanan sa naganap na sunog bagkus ay tumulong pa nga ito sa pamilya ng mga naging biktima?

Sabi nga ni Mayor Rex, wala siyang kasalanan sa trahedya dahil wala naman silang nilalabag na batas at siya pa mismo ang nagsusulong na makasuhan ang mga may pananagutan dito.

Lumalabas kasi sa imbestigasyon na walang Fire Safety Inspection Certificate ang Kentex at tanging temporary business permit lamang ang ibinigay rito ng lokal na pamahalaan.

Nakasaad kasi sa batas, maaaring magbigay ang lokal na pamahalaan ng temporary business permit sa mga establisimyento kapag hindi pa naiinspeksyon ng BFP.

Dahil dito, bakit kailangang isama ang alkalde ng Valenzuela samantalang sumunod lamang ito sa nakasaad sa batas?

Ayon pa nga kay Mayor Rex, malamang na may kinalaman sa pulitika ang naging desisyon ng DOJ dahil nakatakdang tumakbo bilang senador sa partido ni Vice-President Jejomar Binay ang kapatid nitong si Valenzuela City 1st District Congressman Win Gatchalian.

May posibilidad na may katotohanan ito dahil kung pagbabasehan ang nakasaad sa batas ay wala naman talagang kasalanan ang lokal na pamahalaan sa naganap na trahedya.

Ang dapat na sisihin sa naganap na sunog sa pabrika ay ang mga tauhan mismo ng BFP dahil hindi nila nagawa ang kanilang mga responsibilidad kaya marami ang namatay sa nasabing sunog.

Malamang din na halos lahat ng mga taga-Valenzuela ay magalit sa ginawang ito ng DOJ dahil lahat sila ay tagasuporta ni Mayor Rex dahil na rin sa mga magagandang programa nito sa lungsod na naging dahilan upang lalo pa itong umasenso. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>