NAGBALIK na naman daw ang ‘Paihi King’ ng Bataan na si Brgy. Captain Bassi na mas lalong kilala sa alyas Kapitan Blade sa iligal na negosyo nitong ‘paihi’ sa Brgy. Culis Highway, Hermosa, Bataan.
Matapos ang ilang linggong tumigil si Kapitan Blade ay muli na namang namamayagpag ang ginagawa nitong pagnanakaw ng mga produktong mga petroleum sa Hermosa, Bataan.
Muli na namang inalerto ni Kapitan Blade ang mga tauhan nito maging ang mga kakutsaba sa operasyon ng kanilang paihi sa highway ng Hermosa.
Mukhang moro-moro lang ang ginawang pagpapatigil ng mga awtoridad sa operasyon ng ‘paihi’ ni Kapitan Blade para lang may maipakita ang mga law enforcer na inaaksyunan nila ang reklamo.
Sa halos tatlong dekada na pag-o-operate ng paihi ni Kap. Blade sa Hermosa ay pansamantang ipinatigil nang pamoro-moro ang nasabing operasyon.
Ewan ko ba kung bakit pinapayagan ni Hermosa Mayor Danny Malana na i-operate ang “Paihi” ni Kap. Blade sa Brgy. Culis, Hermosa.
Magkano kaya ang patimbre kay mayor? He..he..he..he.
BOOKIES SA ROSARIO NI KAP, UNTOUCHABLE
Sa Rosario, Batangas ay walang tigil naman ang operasyon ng bookies ng STL ni ex-Kapitan Noel Vitucio.
Bukod sa barangay kapitan ang misis ni Virtucio ay ipinagmamalaki rin nito ang utol na police sergeant.
Ano kaya ang masasabi ni Mayor Manny Alvarez? E ano pa, e, ‘di timbre!
VK SA PAROLA AREA MAY GO SIGNAL
Sa Manila ay walang tigil pa rin ang pag-o-operate ng mga video-karera (VK) ni Charito sa Parola Area.
Lumalawak na ang operasyon ng mga vk ni Charito dahil sa mga koneksyon ng pulis mula sa PS1, PS2 at PS11 ng MPD.
Bata at matanda ay nagbi-vk na may singhutan pa ng ‘tobats’.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

