Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAR ROXAS TIYAK NANG PAGKAKAISAHAN

$
0
0

MATAPOS maiendorso ni Pangulong Benigno Aquino III si Interior and Local Government Sec. Mar Roxas bilang kandidato ng Liberal Party, natural lang na magpahayag si Vice-President Jejomar Binay na hindi niya uurungan ang kandidato ng administrasyon na dati na niyang tinalo noong 2010 sa vice presidential race.

Lamang, maraming politiko na ang kumakalas kay Binay matapos warakin siya ng mga politikong naghahangad na bumagsak siya at ang kanyang pamilya sa pamamayagpag sa pulitika.

Maaaring humina ang pwersa ni Binay at ang ilan ay pumanig kay Roxas subalit dahil sa rami ng palpak ng administrasyon ni Pangulong Aquino sa “Daang Matuwid” ay tiyak na magkakaroon ng third force o strong opposition na siguradong tatalo kay Roxas.

Dahil puro pagganti ang nangyari sa panahong Aquino, marami ang nakulong at nasira ang buhay na mga mambabatas na hindi naman pipitsugin kundi limpak-limpak na ang salapi sa buhay at bangko sa loob at labas ng bansa.

Sa palagay ba ni Roxas, hindi magtutulong-tulong ang mga ito upang pagkaisahan siya o ang sinomang mamanukin ni Pangulong Noynoy?

Natural lang na magsanib-pwersa ang mga ito upang matalo ang Liberal upang hindi na maituloy pa ang “Daang Matuwid” na ginawang pambulag ni Pangulong Aquino sa mga mamamayan.

Wala naman kasing mabuting idinulot ang “Daang Matuwid” ni PNoy kung hindi mas lalong paghihirap ng mga mamamayan na hindi man lang nakabangon sa hirap ng buhay.

Hindi man lang nagkaroon ng sariling bahay, trabaho at negosyo.

Asahan na ng sinomang sumusuporta sa kasalukuyang Pangulo na pagkakaisahan at pagtutulungan na huwag manalo si Roxas na tulad ni PNoy ay wala rin namang naitulong, lalo na sa mahihirap at naging pabigat pa sa mga miyembro ng Philippine National Police.

Umentra pa nga si Roxas sa eksena sa Fallen SAF 44.

Pero wala rin naman siyang naitulong para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga ito maliban sa konting abuloy.

Kaya huwag nang umasa si Roxas na maipapanalo niya ang laban ni PNoy at ng Liberal Party.

Maging ang karamihan sa mga kakampi ni Pangulong Aquino ay walang kabilib-bilib kay Roxas kung kaya’t hinihimok ng mga ito si Grace Poe na lumaban sa pampanguluhan.

Kahit sino ang maging third force na susuportahan ng mga nakapiit na mambabatas ay tiyak na mananalo lalo’t iilan lang ang kakandidato. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>