Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

REAKSYON SA KOLUM UKOL KAY QCPD DD

$
0
0

UMANI ng maraming reaksyon ang huling kolum natin, “ATTENTION QCPD DD ED TINIO…”. Kaugnay sa ating panawagan kay Director Edgardo G. Tinio tungkol sa sumbong sa LILY’S FILES na ginagawang inuman ang QCPD Firing Range sa ordinaryong araw.

Ilang opisyal na nakabasa sa nasabing kolum ang nagsabing, “Wala akong alam diyan, Ate Lily, ha! O, baka pati ako maituro riyan, ha! Sana nga ayusin ni DD Tinio ang management ng Firing Range dahil kaming mga ordinaryong pulis ay hindi makapagsanay dahil madalas may kumpetisyon.”

Ang QCPD Firing Range ay itinayo ng “paborito kong DD”, si General Diony Ventura. Dahil diyan ay nagkampeon ang QCPD laban sa taga-ibang mga distrito sa ilalim ng NCRPO.

Para sa inyo DD Tinio, ang firing range ay itinayo primarily para sa lahat ng mga pulis, partikular na ang mga taga- QCPD. Nagsisilbi rin itong tulong para lumawak at gumanda ang relasyon ninyo sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at pribado, kasama na ang mga miyembro ng media na mahilig magsiputok. PR.

Maayos ang range noon sa kamay ng mga dating namahala. Malinis, maayos, pinturado palagi at hindi gaanong binabaha. Ganoon sila karesponsable noon. Ngayon, kayo na mismo ang magsuri, Gen. Tinio, sir.

Maliban sa inuman sa ordinaryong araw, may tong-its pa riyan! Wow, general, bar na, casino pa?

Wala tayong masamang intensyon dahil inugat na tayo sa police beat lalo na sa Kyusi.

Ayaw ko na mapulaan kayo dahil lang sa gawa na mali ng ilang tauhan ninyo.

Isa pa, maraming pulis ang gustong magpraktis tuwing Sabado at Linggo pero hindi nila magawa dahil may kumpetisyon.

Pero alam ba ninyo na halos iisang tao lang ang nagpapalaro sa halos linggo-linggong kumpetisyon?

Isa siyang pribadong RO o range officer na kung umasta sa kanya ang firing range.

Tanong ko lang, sir, nagpapaalam man lang ba siya sa inyong tanggapan?

Maepal masyado itong RO na ito.

Natatakot akong gawin niya sa inyo ang ginawa niya sa dalawang opisyal na pinalitan ninyo. BAN HIM!

Nag-schedule ng DD CUP pero hindi nasunod sa petsa dahil may palaro raw siya!

Kung gusto raw ng mga DD na iyon, sa Camp Crame na lang daw dahil nauna siya sa schedule! Wow naman, ang bigat ng malabakulaw na RO na ito.

Ang layunin natin ay mapaganda mo ang firing range muna, Gen. Tinio, sir, at isunod agad ang mga pulis-Kyusi na 15-30. Alright Sir?

o0o
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09353110472 at 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>