Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI ENCOUNTER KUNDI RUBOUT SA TAGA-LAGUNA

$
0
0

ISA na namang kalunos-lunos na kamatayan ang pi-naiimbestigahan uli ng ating impormante kaugnay ng pinalalabas na ‘encounter’ noong Agosto 5, 2015, malapit sa D Master Gasoline Station at Olivarez Plaza, National Highway, Biñan.

Pinipilit ng ating impormante na hindi raw ‘encounter’ kundi “rubout” ang ginawa sa mga biktimang sina Rommel Glenopia alyas Rommel at dalawa pang kasamahan nito na walang awang pinagbabaril umano  ng taga-Biñan Intelligence noong madaling araw ng Agosto 5.

Totoo man o hindi ang impormasyon na ito ng ating impormante ay  hindi natin dapat balewalain.

Pinalalabas daw ng Biñan Police Intel na encounter pero ang totoo raw, ayon sa ating impormante, ay hinuli nila si Glenopia habang kasama ang asawa at anak at ang dalawang kasamahan pa nito.

Papaalis umano sila papuntang Bicol dala ang isang jeep na naroroon ang mga gamit nila at L-300 na kulay puti na kung saan sila nakasakay. Ang masakit nito, bago pinagpapatay sina Glenopia at mga kasamahan nito ay hiniwalay ng mga taga-Intel ang pamilya ng una bago sila pinagbabaril.

Ang matindi, ayon sa ating impormante, wala naman daw kaso ang grupo ni Glenopia nu’ng hinuli sila ng mga pulis habang papauwi ang mga ito sa Bicol.

Pinalalabas ng mga pulis na ‘encounter’ na parang minsang ginawa ng mga pulis sa Maynila na palabas lang ang encounter.

Sir, sana ay maimbestigahan ito at alam ko ‘yung asawa ng mga napatay ay gustong magreklamo kaya lang takot sila.

VK NI BONG S. AT SI COP MASUNGSONG

Tuloy pa rin ang pama-mayagpag ng mga vk ni Bong S. sa Antipolo City.

Patuloy naman na nagbibingi-bingihan dahil sa ‘timbre’ ang hepe na si Supt. Arthur Masungsong.

Tangna yu… Hehehe!

***
Anomang reklamo o  puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>