Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TULUYAN SI SYJUCO

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBTAMA lamang ang desisyon ni Technical Education, Skills and Development Authority Sec. Joel Villanueva na ipagpatuloy ang pagsasampa ng kasong graft laban sa dating boss ng naturang ahensya na si Iloilo Rep. Augusto Syjuco.

Malinaw naman kasi sa findings ng Commission on Audit (COA) na nagkaroon ng iregularidad si Syjuco noong siya ay nanunungkulan pa lamang sa TESDA.

Napatunayan kasi ng COA sa kanilang pagsusuri na nagkaroon ng overpricing sa TESDA noong 2009 na  si  Rep. Syjuco pa ang bosing nito.

Sa findings ng COA, lumitaw na nagkaroon ng malakihang pagdaragdag sa presyo ang TESDA na umabot sa 42.732 percent sa binili nitong equipment at testing tools sa V.G. Roxas Co. Inc.

Bukod sa overpricing, nakita rin ng Ombudsman na palpak ang mga nabiling gamit sa V.G Roxas dahil substandards o low quality ang mga isinuplay nito sa TESDA na dapat sanang gagamitin sa mga proyektong may kaugnayan sa ladderized education.

Maliban sa overpricing noong 2009, nakita rin ni Villanueva na nagkaroon ng iregularidad sa iba’t ibang proyekto ng TESDA noong 2007 na kung saan 10 sa mga tauhan nito ay naging katulong ni Syjuco sa pagmamaniobra sa nasabing kuwestiyunableng transaksyon.

Mabigat ang mga akusasyong ito ni Villanueva laban kay Syjuco pero matibay naman ang ebidensyang hawak ng kasalukuyang TESDA boss kaya’t dapat nang mag-isip ang mga taga-Iloilo dahil posibleng ang kanilang pondo ay namamadyik din nito.

Nasa tuwid nang daan ngayon ang bansa kaya’t wala nang puwang ngayon sa pamahalaan ang mga tiwaling tao na walang hinangad kundi ang pagsamantalahan ang pondong bayan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>