Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ERAP HOSTAGE BA NG LP?

$
0
0

TOTOO kaya ang bulong-bulungang hostage ngayon ng Liberal Party (LP) si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada kaya hindi ito makapagdeklara kung sino ang mamanukin sa darating na 2016 presidential election?

Mapapansin nating kapag na-interview ng media si Erap ay hindi nito direktang sinasabi kung sino ang kanyang susuportahan sa pagka-Pangulo sa nalalapit na eleksyon bagkus ay pinaiikot lamang nito ang kanyang sagot.

May naririnig pa tayo na kapag sinuportahan ni Erap ang manok ng LP ay tiyak na maganda ang magiging kapalit nito, ito ay ang kalayaan ng kanyang anak na si Jinggoy na nahaharap ngayon sa kasong katiwalian.

Kung totoo man ang balitang ito, tiyak na makahahatak ng boto si Erap kung sinoman ang dadalhin nito sa pagka-Pangulo sa 2016 dahil aminin man natin o hindi ay malakas pa rin ang hatak ng ating dating Pangulo sa masa.

Hindi na tayo magtataka kung isang araw ay sasabihin ni Erap na ang kanyang mamanukin sa 2016 presidential election ay walang iba kundi ang standard bearer ng LP dahil na rin sa kapalit nitong kalayaan para kay Jinggoy.

Kung anoman ang magiging pasya ni Erap ay tiyak na aabangan ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta, hindi man 100 percent ang makuhang suporta ng kanyang mamanukin ay tiyak na malaki ang tiyamba na lumusot ito bilang susunod na Pangulo ng bansa.

Bilang ama kasi ay tiyak na gagawin mo ang lahat para sa iyong anak at ito ang maaaring maging senaryo sakali mang suportahan ni Erap ang manok ng LP?

Kilala si Estrada sa slogan na “Erap para sa mahirap” at ang mga katagang ito ang nagdala sa kanya sa katanyagan hindi lamang sa larangan ng pelikula kundi maging sa pulitika na naging dahilan kaya nilampaso nito ang kanyang kalaban noong 1998 presidential election.

Matatandaan din nating noong 2010 election ay naging katambal ni Erap si Vice-President Jejomar Binay ngunit napabalitang hindi naman sumuporta ang dating alkalde ng Makati City sa kandidatura ni Estrada bagkus ay sinuportahan nito si Pangulong Noynoy Aquino.

Ito na kaya ang panahon para gumanti si Erap kay Binay?

Aabangan natin kung anoman ang magiging desisyon ni Estrada kung sino ba talaga ang susuportahan nito sa 2016 presidential election. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>