Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BASTOS NA HEAD NG DSWD-ALBAY, TINULIGSA

$
0
0

NAPAKABASTOS daw na head ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Malinao, Albay ang inirereklamo ng ating asset sa nasabing lugar.

Hindi ko lang alam kung totoo ang impormasyon na ibinibintang ng ating impormante.

Pero totoo man o hindi ang paratang na ito ay hindi dapat natin balewalain ito.

Basahin natin ang kabuuang nilalaman ng reklamo ng ating impormante.

Good pm, Sir Johnny. Itong si Rose Bonaobra ng DSWD Malinao, Albay ay napakabastos na head ng nasabing departamento. Kahit alam niya na may sakit ka ay magsasalita siya ng Bikol na kesyo ang laki ng katawan ay nanghihingi ng tulong.

Minsan may pinagsabihan pa siya na isang babae na humihingi ng tulong kesyo ang ganda raw bakit ‘di raw magpakasal at pumayag na lang sa live-in.

Madalas daw na pinahihirapan nitong si Bonaobra ang mga humihingi sa kanya ng tulong para sa ultrasound na mabigyan ng reperal papuntang DSWD Region.

Ang masakit pa rito, ‘yung lahat ng mga humihingi ng tulong sa kanyang tanggapan ng mga gamot at laboratory, bago niya bigyan ay ang dami pa ang sinasabi.

Ano kaya ang masasabi ni DSWD Sec. Dinky Soliman sa inaasal ng tao niya? (ITUTULOY)

BOOKIES NI KAPITAN, TULOY-TULOY

Walang tigil at lantaran pa rin daw ang operasyon ng bookies ng STL ni Kap. Ado sa Bgy. Sta. Maria, Sto. Tomas, Batangas. Wala pa ring ginagawang aksyon ang kapulisan ng Region 4-A sa pamumuno ni RD Gen. Richard Albano kahit lantaran ang operasyon ni Kap. Ado sa nasabing lalawigan.

Eh, paano may regular na ‘timbreng’ kinukuha ng umano’y nagpapakilalang collector ni Gen. Albano na isang alyas Ryan Bacordo.

Ang matindi pa rito, pati si Sto. Tomas Mayor Edna Sanchez ay walang ginagawa laban sa bookies ni kap.

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>